Thursday , April 25 2024

Angeline, nahirapan sa pagsampa sa andas ng Poong Nazareno

SIMULA 2014 ay sumasampa na sa Black Nazarene si Angeline Quinto sa tuwing Pista ng Quiapo kaya nagulat kami sa sinabi niyang nahirapan siya kahapon ng madaling araw nang salubungin niya ito.

Kuwento ng singer/actress, ”Ate Reg, ilang taon na ako sumasampa pang apat (taon) na po ito. Pero kanina po ako nahirapan ako lahat ng mga taong naapakan ko madulas kasi sobrang pawis lahat sila muntik na ako malaglag sa pagsampa pero buti po may mga lalaki humawak sa akin sa taas.”

Bago pa nangyari ang pagsampa ay naka-chat muna namin si Angge at nabanggit nga niya na hindi na siya sasama sa prusisyon.

“Ate Regs, punta po kami ngayong gabi (Martes). Kasama ko po mga kaibigan ko.

“Mag aabang lang po kami sa malapit sa Quinta Market para makasampa ulit. Pero magmimisa muna po kami sa simbahan.”

Bata palang ay deboto na si Angeline ng Itim na Nazareno at ang Mama Bob niya ang nagsama-sama sa kanya hanggang ngayon. Katunayan, may nagbigay sa kanya noong isang araw ng replica nito sa bahay niya na labis niyang ipinagpapasalamat.

Tinanong namin si Angeline kung nagkita sila ni Coco Martin na tulad niya ring deboto, ”hindi po, pero ngayon nagkita po kami sa taping po (FPJ’s Ang Probinsyano).”

Pa-simple ring magpatawa itong si Angge ‘no Ateng Maricris?

 

BIMBY MATURED NA,
‘DI NA NAGLUPASAY
SA KASAL
NI YAYA RACQUEL

HINDI na nag-iiyak si Bimby Aquino Yap kahapon ng tanghali habang ikinakasal ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Yaya Racquel niya sa asawa nitong si Jun Aries Confesor.

Matatandaang noong Oktubre, 2015 nang ikasal ang Yaya Gerbel ni Bimby ay talagang naglulupasay siya sa iyak na akala ng lahat ay aatakihin na siya dahil hindi na makahinga.

Hindi naman din kasi maiwasang hind imaging ganoon ang reaksiyon ng bata dahil nakagisnan na niya si Yaya Gerbel na nagpalaki na rin sa kanya.

At dahil nag-mature na si Bimb ay may-I-smile na lang siya kahapon sa kasal ni Yaya Racquel with matching pictorial pa.

Kuwento ng staff ni Kris na si Jack Salvador tungkol sa kasalang ginanap, ”’’yung nanay niyong groom pinauwi ni madam (Kris) kahapon all the way from Bacolod. Sagot ni madam (fare) then after kasal ngayon sagot ni madam ‘yung reception sa Sweet Inspiration, hindi lang nakapunta si madam kasi may taping pa siya pero naroon naman si kuya Joshua (Aquino).

Si Kris ang tumayong ninang ng mga ikinasal.

Maloko rin itong staff ni Kris na si Jack dahil biro niya ay, ‘Kris nagpakasal sa Q.C.’

ANGEL, SIGN OFF NA
SA LA LUNA SANGRE

GOODBYE na si Jacintha Magsaysay sa La Luna Sangre nitong Martes matapos niyang saksakin ng pangil ng lobo si Supremo/Sandrino (Richard Gutierrez).

Madamdamin ang pamamaalam ni Jacintha dahil tinapos muna niya ang misyon niya sa LLS kaya siya nagbalik.

Sinaksak niya si Tristan (Daniel Padilla) dahil nakita niya sa pangitain niya na si Malia (Kathryn Bernardo) ay kakagatin nito matapos siyang kagatin ng Kuya Sandrino niya.

At bago siya nawala ay sinabi niya kay Malia (Kathryn), ”tapos na, tapos na.”

Parang tapos na ang LLS dahil sa inakalang patay na sina Sandrino at Tristan, pero cliffhanger ang episode nitong Martes na habang naglalakad sa bukid si Malia ay may nakita siya. Sabi nga, ‘inaakala mong nagbago ang propesiya ay nagkakamali ka.’

Marami ang nalungkot sa pamamaalam ni Angel bilang Jacintha at base sa post niya sa kanyang IG account pagkatapos ng La Luna Sangre”Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit…”

“Playing Jacintha is one hell of a ride. Sa lahat ng bumubuo ng La Luna Sangre, thank you for the countless hours you have been working hard away from your families to make this show great. I’ll miss you guys, swear. Please take good care of your health and to everyone who supported the show, sending you, guys, virtual hugs and kisses of sincere pasasalamat! You are our source of strength during tough times. Thanks for giving us work for our families! Jacintha signing off…#GabiNgLaLunaSangre”

Iisa ang sinasabi ng lahat, ”please bumalik ka sa ibang karakter naman, Angel Locsin. 

Sa mga makaka-miss kay Angel, puwede naman siyang mapanood tuwing Sabado at Linggo sa Pilipinas Got Talent Season 6 kasama sina Mr. Freddie M. Garcia, Robin Padilla, at Vice Ganda.

Nagpakitang gilas kaagad ang pilot episode ng PGT6 dahil inilampaso nito ang katapat na programangPepito Manaloto na nakakuha ng 18.7% kompara sa 36.8% at nitong Linggo ay nakakuha ng 40.8% kompara sa Daig Kayo ng Lola Ko na 14.5% base sa Kantar Media.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *