Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Grade VI pupil nahulog mula rooftop patay
Grade VI pupil nahulog mula rooftop patay

Grade VI pupil nahulog mula rooftop patay

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos Grade VI pupil makaraan mahulog mula sa rooftop ng tatlong palapag na apartment sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod ng Valenzuela City Rescue Team si Lance Vinny Andrada, residente sa Malinis St., Brgy. Lawang Bato, sa Valenzuela Medical Center ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng matinding pinsala sa katawan dakong 8:15 pm habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay Valenzuela police chief, Senior Supt. Rolando Mendoza, bago ang insidente, nagpaalam ang biktima sa kanyang ina na pupunta sa bahay ng kanyang kaklase na si Andrei Kyle Dalag sa Diana Delos Santos Apartment sa Sapang Bakaw St., Brgy. Lawang Bato dakong 5:15 pm para dumalo sa praktis ng sayaw sa kanilang graduation.

READ MORE:  PNoy bitin vs AFP report sa Cudia case

Hindi pumayag ang kanyang ina na umalis ang biktima dahil dumidilim na ngunit umalis pa rin si Andrada at nagtu-ngo sa nasabing lugar kasama ng tatlong kaklase, nang walang pahintulot  ng ginang.

Pagdating sa apartment, nagtungo ang tatlo sa rooftop at habang nag-uusap ay lumakad ang biktima sa madulas na gilid ng gusali at lumipat sa kalapit na gusali ngunit biglang nahulog.

READ MORE:  Igigiit ni Digong: Western world hands-off sa ASEAN

Sa isinagawang ocular investigation ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente, nabatid na ang rooftop ay walang bakod na proteksiyon sa sinoman sakaling madulas. (ROMMEL SALES)

Kinalasan ng live-in partner
18-ANYOS
ESTUDYANTE
NAGBIGTI

NAGBIGTI ang isang 18-anyos estudyante maka­raan makipag-away sa kanyang live-in partner na nagdesisyong siya ay iwanan, sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nadiskobre ang nakabigting bangkay ng biktimang si Paulino Joseph Lumodao, estudyante ng Alternative Learning System (ALS), ng kanyang kaibigan na si John Lloyd dakong 6:30 pm sa 4th floor ng kanilang bahay sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  P30K Shabu bistado sa Korean noodles (Ipapasok sa BI jail)

Sa imbestigasyon nina PO2 Aaron Blanco at PO1 Joenel Claro ng Malabon police homicide division, bago ang insidente ay nag-away ang biktima at ang kanyang live-in partner base sa palitan ng mensahe sa kanilang messenger.

Nagpadala rin ang biktima sa kanyang live-in partner ng huling mensahe na “Kung mawawala ka sa akin, mas mabuti pang mawala na rin ako,” at nagpadala ng retrato na may nakapulupot na nylon cord sa kanyang leeg.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved