Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 258 sugatan sa 4M debotong lumahok sa Traslacion

258 sugatan sa 4M debotong lumahok sa Traslacion

TINATAYANG umabot sa apat milyon katao ang lumahok sa Traslacion ng Poong Nazareno, ayon sa pagtataya ng mga awtoridad dakong 5:00 ng hapon habang palapit ang imahe sa Basilica sa tradisyonal na prusisyon.

Ayon sa ulat, sa nasabing bilang ay kasama na ang 500,000 katao na dumagdag sa mga sumasabay sa prusisyon makaraan ang isang oras, habang ang Traslacion ay papalapit sa simbahan.

Nabatid sa situational report ng pulisya, umabot ang bilang ng mga nasugatan sa prusisyon, sa 258 katao hanggang 4:00 pm kahapon.

READ MORE:  Masahista dedo sa dos por dos ng kabaro

Dagdag ng mga awtoridad, naging mapayapa ang prusisyon.

Asam ni Archbishop Tagle
UGNAYAN KAY KRISTO
NG DEBOTO LUMALIM PA

UMAASA si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay magkaroon ng mas malalim na relasyon kay Jesus Christ.

READ MORE:  Kandidatong tserman patay sa boga

“May our participation in the different activities during the feast lead us in deeply knowing Jesus,” pahayag ni Tagle sa news entry sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Hinikayat ni Tagle ang mga deboto na maghanda sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno “through a closer look at Jesus.”

“He is the way to the father. He is the truth that we’ve been looking for. He is the one who can give us and the society life,” ayon kay Tagle.

READ MORE:  Big mining firms inutusan magsara ni Duterte (3 PNP general pinagre-resign)

Nanawagan din si Tagle sa publiko na magdasal para sa ligtas na pagdiriwang ng kapistahan.

“Our prayer is for the feast to be far from harm. Let us also pray that it will be peaceful and clean,” dagdag ni Tagle.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved