Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Peace & order kaya ba talaga ni Gen. Bato?
Peace & order kaya ba talaga ni Gen. Bato?

Peace & order kaya ba talaga ni Gen. Bato?

SUNOD-SUNOD na naman ang holdapan at patayan na naganap nitong mga nakaraang araw.

Ang pinakahuli, ang isang barangay chairman ng Pasay City na pinaslang 4:30 ng hapon nitong nakaraang Biyernes sa Malate sa kanto ng Pablo Ocampo St., at F.B. Harrison, ilang metro lang ang layo sa Manila Police District (MPD) Malate station (PS9).

Isang hotel sa Pasay na pinasok ng mga hol­daper at pati ang mga customer ay nadamay.

READ MORE:  The MRT challenge

At ang classic ha, pati gotohan hinoholdap na rin?!

Wattafak!?

Bukod pa ‘yan sa araw-araw na holdap sa maliliit na pasahero ng jeepney.

Aba, Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, naipatutupad bang talaga ang peace & order sa Metro Manila?!

READ MORE:  Krisis sa pamunuan ng INC dapat resolbahin agad

Namo-monit0r mo ba talaga ang galaw ng mga lespu mo?

Nasaan ang mga pulis ninyo bakit tila napakalakas pa ng loob ngayon ng mga ‘pusakal na kriminal’ na mang-agrabyado ng mga nananahimik na mamamayan?

General Bato, Sir, baka naman naging ‘bodyguard’ for VIPs na karamihan ng mga pulis ninyo kaya wala nang natira para labanan ang laganap na kriminalidad sa Metro Manila lalo sa Maynila at iba pang bahagi ng bansa?!

READ MORE:  100K media payola ng Dynasty Club sa Roxas Boulevard

Nagtatrabaho pa ba sila, DG Bato?!

O naghihintay na lang sila ng araw ng pag­reretiro ninyo?!

Hala?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved