Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Digong most trusted & approved chief exec
Digong most trusted & approved chief exec

Digong most trusted & approved chief exec

NANINIWALA ang mayorya ng mga Filipino na mas magaling na presidente si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kompara kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong 8-16 Disyembre 2017.

Batay sa SWS survey, 70 porsiyento ang naniniwalang mas maganda ang performance ni Duterte kompara kay Aquino habang walong porsiyento ang nagsabi na mas mainam na leader si Aquino.

READ MORE:  PPRC, MMDA, PNP at LGUs, nagkasundo para sa San Juan River

Umabot sa 22 porsiyento ang may opinyon na pareho lang ang performance nina Aquino at Duterte.

“Kung ikokompara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula Hulyo 2016 sa pagganap ni dating Pangulong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2016, masasabi n’yo ba na PRRD is better, the same, PNoy is better?” isa sa mga tanong ng SWS sa respondents.

READ MORE:  Shabu sa Bilibid may basbas ni PNoy? (Kung asset si Jaybee Sebastian)

Kaugnay nito, umani ng pinakamataas na approval rating si Duterte sa 86% sa Mindanao, 73% sa Metro Manila, 64% sa Visayas at 63% sa Luzon, ayon sa latest Pulse Asia “Ulat ng Bayan.”

READ MORE:  EJKs walang basbas ng estado — Palasyo

Nananatili anila na “most trusted and approved president” si Duterte sa nakalipas na halos isang dekada batay sa survey noong Disyembre 2017.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved