Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ministro ng INC ‘tumira’ ng katorse
Ministro ng INC ‘tumira’ ng katorse

Ministro ng INC ‘tumira’ ng katorse

LEMERY, Batangas – Inireklamo ng isang 14-anyos dalagita ng pangmomolestiya ang isang ministro ng Iglesia ni Cristo sa bayang ito, nitong Sabado.

Kasama ang kanyang lola, isinalaysay ng biktimang si Carina na inimbitahan siya ng suspek na si Thomas Boyles, 59, sa isang counseling bilang parte ng doktrina ng INC.

READ MORE:  Police asset itinumba sa harap ni misis

Ngunit imbes sa chapel, dinala umano siya ng suspek sa isang beach resort sa Brgy. Nonong Casto, Lemery sakay ng personal na sasakyan ng ministro.

At habang nag-uusap umano sila, bigla siyang pinaghahalikan ng suspek sa labi at pisngi habang hawak ang kanyang mga kamay.

READ MORE:  Chinese nat’l dinukot ng 2 kababayan

Dagdag ng biktima, nagpumiglas umano siya at tumutol sa ginagawa ng suspek.

Nang makauwi, agad siyang nagsumbong sa kanyang lola.

READ MORE:  NBI kasado sa aresto vs 3 pork senators

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, pinuntahan ng mga pulis ang suspek sa INC Chapel sa Brgy. Sangalang, Lemery ngunit hindi natagpuan doon nitong Linggo ng madaling-araw.

Wala pang komento ang panig ng INC hinggil sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved