Friday , April 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Huwag gamitin ang Itim na Nazareno

BUKAS ang araw ng kapistahan ng Itim na Na­zareno.

Sa araw na ito, muling isasabuhay ng mga debotong Katoliko ang kanilang mga panata  sa pamamagitan ng pagdarasal at paglahok sa mahabang prusisyon tanda ng kanilang pagmamahal, pagpupugay at debosyon sa Itim na Poon.

Ngayong ang ika-411 taon ng Feast of the Black Nazarene.  Sa temang “Pag-ibig ang Bukod na Ganap na Pagkakaisa,” inaasahang 18 mil­yong deboto ang dadagsa at makikilahok sa nasabing banal na prusisyon na ang tawag din ay Traslacion.

Noong nakaraang taon, batay sa tala ng Simbahang Katoliko, umabot sa 15 milyong deboto ang lumahok sa prusisyon na tumagal nang mahigit 22 oras at lumakad nang anim na kilometro.

Ang taunang pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene ay isang magandang pagkaka­taon para sa lahat lalo sa mga Katoliko dahil ito ang nagbubuklod sa kanila para magbigay pag-asa sa bawat pagsubok na kanilang sinusuong.

Pero kung minsan, ang ganitong banal na paniniwala at gawain ay ‘nabubulagbog’ ng mga taong matatawag na oportunista at mapanlamang sa kapwa.

Gaya ng mga politikong pasaway at epal na sumasabay o sumasawsaw sa piyesta ng Itim na Nazareno.

Tanging gusto ng mga epal na politiko ay makakuha ng media mileage at mapansin ng mga taong naroroon sa prusisyon para sa kanilang balaking pagtakbo sa darating na eleksiyon. Mga politikong nais tumakbo ngayong barangay election at darating na 2019 midterm elections.

Makikita ninyo ang mga epal na kasamang nakahilera ng mga tunay na deboto at nagkukunwaring nagdarasal habang dumaraan ang karo ng Itim na Nazareno. Dapat silang iwasan, pandirihan at huwag iboto.

Bantayan din ang mga tarpaulin na nakapa­libot sa Quiapo at mga lugar na daraanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.  Mga tarpaulin na makikita ang mga pagmumukha ng politko na kunwari ay bumabati pero ang tanging layunin ay magpapapansin sa mga debotong dadalo sa pista.

Parang isinampay na mga labada ang makikita ninyo bukas sa mga poste, kawad ng kor­yente at pader. Naghambalang ang mga tarpaulin ng mga epal na politiko na mabuting tandaan at huwag iboto sa darating na halalan.

Ganito kadesperado ang mga epal na politiko. Walang paggalang sa banal na pagdiriwang ng Itim na Nazareno. Lahat ay gagawin manalo lang sa halalang darating.  Huwag nating ibo­boto ang mga ganyang politiko.

Sabi nga, mabuting ipako sila sa krus!

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *