Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Drug raps vs 7 akusado sa P6.4-B shabu ibinasura ng korte
Drug raps vs 7 akusado  sa P6.4-B shabu ibinasura ng korte

Drug raps vs 7 akusado sa P6.4-B shabu ibinasura ng korte

BUNSOD ng kawalan ng hurisdiksiyon, ibinasura ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) ang kaso hinggil sa importasyon ng ilegal na droga laban sa pitong indibiduwal kaugnay sa P6.4-bilyon shipment ng shabu na nakalusot sa port inspection nitong Mayo.

Nauna rito, ang mga akusadong sina Li Guang Feng alyas Manny Li, Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong, Chen Julong, Mark Ruben Taguba II, at Teejay Marcellana ay hiniling ang pagbasura kasong kriminal hinggil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at pagbawi sa arrest warrant laban sa kanila.

READ MORE:  Erpat nagnakaw ng 7 kutsara (Pagod na sa ‘kamayan’)

Sa 8-pahinang order, pinagbigyan ng RTC Branch 171 ang kanilang apela, sinabing walang hurisdiksiyon ang korte sa kaso dahil ang imporasyon ng 602.279 kilo ng shabu mula sa China ay nangyari sa Port of Manila, at hindi sa Valenzuela City.

Dahil ang droga ay nakompiska sa Hong Fei Logistics Warehouse sa Valenzuela, “immaterial in the charge for importation of dangerous drugs,” ayon sa order ng korte.

Dagdag ng korte, ang posisyon ng Department of Justice (DoJ) na ang krimen sa pag-import ng ilegal na droga ay continuing offense ay “has no basis in law.”

READ MORE:  Convicted drug lords itutumba (Drug trade ‘pag tuloy sa Bilibid) — Duterte

Ang kaso sa continuing offenses ay maaaring ihain sa alin man korte sa lugar na pinangyarihan ng krimen, at hindi lamang sa lugar na pinagsimulan nito.

Ang iba pang akusado sa nasabing kaso ngunit hindi naghain ng kaparehong apela ay sina Eirene Mae Tatad, Chen Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Juan.

Sa kabilang dako, nag­hain ang DoJ ng motion for reconsideration nitong 27 Disyembre 2017, hinikayat ang RTC sa pagbaliktad sa desisyon.

READ MORE:  ‘Sex workers’ bawal na sa Iloilo

Iginiit ng DoJ, sa pamamagitan nina Assistant State Prosecutors Aristotle Reyes at Rodan Parrocha, at Associate Prosecution Attorney II Joan Carla Garcia, bagama’t ang inisyal na aksiyon ng impormasyon ay naganap sa Maynila, ang shipment ay “nadiskobre, nabatid at nakompirmang i-legal na droga” sa Valenzuela City.

“In line with this, the prosecution maintains that this honorable court has authority and jurisdiction to hear and try the said case,” ayon sa mosyon ng DoJ.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved