Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Clique 5, ratsada na sa video shoot
Clique 5, ratsada na sa video shoot

Clique 5, ratsada na sa video shoot

NGAYON palang ikalawang araw ng Enero 2018 ay ratsada na ang newest boy group na Clique 5 kasama ang ilang miyembro ng Belladonnas.

Noong January 2 ay kaagad sumalang ang mga bagets para sa kanilang music video shoot for the song Puwede Ba Teka Muna composed by Joven Tan na kasama rin sa kanilang ilalabas na album this January.

Happy set lang ang buong 316 Events And Talent Management while shooting sa Bangkal National High sa Makati at kitang-kita naman ang excitement sa pitong members.

Mabusisi si Tan kaya naman medyo inabot ng gabi ang pack-up ng shooting. Pahinga lang kami sandali at around 10:00 p.m. ay bumiyahe naman ang buong grupo papuntang Miami Heat Beach Resort sa Morong, Bataan para roon kunan ang isa pang music video ng Ako Nalang Sana na kasama rin sa album!

“We’re rushing these things because we wanted to launch the album this January, pero wala pang exact date. Then by February, hopefully ay makuha natin ang isang date para sa kanilang gagawing concert show because they deserve it naman!

READ MORE:  Iwa Moto nakipagbati na kay Jodi Sta. Maria

After we have launched them last November ay naging busy naman na ang nga bata until now and gusto naming tuloy-tuloy ang init at ingay ng mga bata dahil napakasisipag naman nila!” sez Len Carillo.

Love na love ko ang 316 Management ng Clique 5 dahil simula’t mula ay nakita ko ang ginagawang pagtutok nila sa career ng mga bata mula sa pagkain, damit, at kung ano-ano pa.

Kahit sino pa man ay natutuwa at proud akong inaalagaan sila dahil ramdam ko ang sincerity ng buong 316 especially ang mga batang ito na hindi lang kaguwapuhan at appeal mayroon sila kundi naniniwala ako sa kanilang talento and they truly deserve a big break sa music industry.

READ MORE:  Kris Aquino, kakasuhan ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis

Sabi pa ni Ma’am Len, one time, kailangan ba talaga kapag kinunan ko ang mga bata ay kasama ako? Sagot ko kay Ma’am Len, yes dahil proud ako sa mga alaga natin at proud akong makita ang unti-unti nilang achievements at proud akong kasama rin ako sa kanilang unti-unting pag-angat.

Ganoon talaga kapag nagpi-PR ka. Put your heart into it and feel that love from them at ituring mong pamilya mo sila para ang suwerte at good vibes ay pangkalahatan.

Ramdam mo rin naman kasi kung mahal ka rin ng mga taong ito o hindi kaya go for the best.

Disiplinado rin kasi ang mga bagets at mahal nila ang kanilang pinasok na trabaho at may respeto kaya ang sarap nilang alagaan lalong-lalo na ang dalawang naidagdag na member nilang magkapatid na sina Tim at Rocky na sumasabay na sa original 5 huh.

READ MORE:  ‘Di perpektong katawan ni Solenn, ibinalandra

In fairness! Sabi ko nga, nakikilala na rin ang mga bata. One hit lang ay pasok na sa banga ang mga alaga. Wala pa kaming nakikitang potential label na ikokontrata ang releasing ng album. But come to think of it, as of today, grabe na ang social media and nandiyan na ang Spotify, Amazon at kung ano-ano pang internet accounts na pasok na rin ang salitang digital world na convenient ang downloading.

Nasa Youtube, Spotify, at Amazon na pala last December pa ang Christmas single nilang Tuwing Pasko na puwede niyo pa ring i-download dahil tuwing Pasko ay puwede pa rin nating patugtugin sa ating mga gadget noh.

Mas beautiful pa ang mga original song sa album ng Clique 5 na ilalabas namin ngayong January kaya kaabang-abang naman talaga!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

 

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved