Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JM at Meg, friend lang ba o BF/GF na?
JM at Meg, friend lang ba o BF/GF na?

JM at Meg, friend lang ba o BF/GF na?

BUMALIK ba ang malalim na relasyon nina JM de Guzman at Meg Imperial?

May kumalat na photo na nasa isang restoran sila bago mag-Pasko.

Noong December 11 ay nag-share si JM sa kanyang Facebook page na kumakain sa restoran kasama si Meg at ang  kapatid nito.

READ MORE:  Joshua Garcia, pinuri ang galing sa seryeng The Greatest Love

Bago pa nagkabalikan noon sina JM at Jessy Mendiola ay parang MU na sina JM at Meg. Nakikita pa sila noon na sabay na naggo-grocery at nagsisimba.

Lagi ring sinasabi noon ni Meg sa mga interview niya na nariyan lang siya palagi para kay JM . Nandiyan lang siya para suportahan na maka-recover ang actor.

READ MORE:  Alden at Maine, hinahanap sa APEC Summit

Nag-text kami kay Meg para makakuha ng detalye sa sitwasyon nila ni JM pero wala siyang matinong sagot.

Pero ayon sa aming reliable source: “Parang kumain po sila. ‘Yun po.”

Sinundan namin ito ng tanong kung nagkabalikan na ba?

READ MORE:  Gabby, allergic pag-usapan si Sharon

“Hindi naman po naging sila. Friendship lang po sila,” paglilinaw ng kausap namin.

Abangan na lang natin ngayong 2018 ang magaganap kina JM  at Meg!

May mga basher na rin na nagre-react sa social media na unahin muna  ni JM ang career bago ang lovelife.

‘Yun na!

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved