Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female personality, fabulous sa mga natitipuhang boylet
Female personality, fabulous sa mga natitipuhang boylet

Female personality, fabulous sa mga natitipuhang boylet

MABUTI naman at lumagay na sa tahimik ang kilalang female personality na ito. Natigil na rin kasi ang kanyang pagkahilig pumatol sa mga boylet partikular ang mga nakukursunadahan niyang aktor.

Sumusumpang tsika ng aming source, ”Naku, kung alam lang ng buong mundo na fabulous as in fabulous ang lola n’yo kapag may bet siyang boylet! Anong pagkamahal-mahal ng mga branded na kasuotan? Anong very expensive ang mga biyahe sa abroad? Anong madugels ang mga kumikinang-kinang na alahas na panlalaki? Hoy, wala sa lola n’yo ‘yon, ‘no! May I buy at spend siya sa tipelya niyang boylet!”

Dagdag pa ng aming kausap, ”Masuwerte kung pag-ibig din ang habol sa kanya ng mhin, ha? Kasi, kadalasan, halata namang datung lang niya ang gusto sa kanya ng nahuhulog sa bitag niya, ‘no! Eh, sino ba naman kasing guy ang hindi mawiwindang sa uri ng pagmamahal na ipinakikita ng lola n’yo, ‘no! Buti nga, nag-asawa na ang hitad. Siyempre, stopped na rin ang mga kagagahan niya!”

Da who ang sikat na babaeng personalidad na itey? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Jinky Belarmino.

READ MORE:  Ms. Baby Go, proud sa pelikulang Area at Laut
READ MORE:  Aga, wise na sa pamimili ng pelikula

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved