Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, leading man ni Liza sa Darna
Daniel, leading man ni Liza sa Darna

Daniel, leading man ni Liza sa Darna

HANGGANG ngayon ay wala pa ring announce ment ang Star Cinema kung sino ang magiging kapareha ni Liza Soberano sa pelikulang Darna.



Alam namin na may napili na, pero bakit kaya ayaw pa nilang i-reveal ito?

Hindi kaya totoong si Daniel Padilla, gaya ng mga lumabas na balita noon, ang magiging leading man ni Liza?

READ MORE:  Toni at Alex, ‘di pinansin sa boutique ni Vera Wang

Sana nga ay si Daniel na lang para naman maipareha rin siya sa iba  gayundin si Liza, ‘di ba?

Hindi naman kasi puwedeng sa lahat ng project ni Daniel ay si Kathryn Bernardo ang kapareha niya at si Liza ay puro si Enrique Gil. Baka pagsawaan din sila ng fans, ‘di ba?

READ MORE:  Jasmine, mas naramdaman ang loved at care sa TV5 (Kaya sa Kapatid muli pumirma ng kontrata)



ACTING NI NASH,
‘DI MATATAWARAN

MARAMI ang humanga sa ipinakitang akting kamakailan ni Nash Aguas sa serye nilang The Good Son, na napapanood sa ABS-CBN 2.

Noong una ay hindi gaanong napapansin ang akting niya rito dahil so-so lang ang role niya, hindi pa gaanong mabigat. Pero kamakailan ay binigyan na rin siya ng sariling moment, kaya naipakita niya ang husay niya sa pagganap na naging dahilan para mag-viral ang eksena niya sa The Good Son.

Sa totoo, mula noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin matatawaran ang husay sa akting ng ka-loveteam ni Alexa Ilacad.

READ MORE:  Sheena, gusto na raw magka-baby

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved