Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryza Cenon, magpapakilig with JC Santos sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz
Ryza Cenon, magpapakilig with JC Santos sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz

Ryza Cenon, magpapakilig with JC Santos sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz

TATAMPUKAN nina Ryza Cenon at JC Santos ang pelikulang Mr. & Mrs. Cruz. Ito ay mula sa panulat at pamamahala ni Direk Sigrid Andrea P. Bernardo, ang writer-director din ng mega blockbuster movie na Kita Kita na pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Mula sa Viva Films at Idea­First Company Production, ipa­lalabas na sa January 24, 2018 ang Mr. & Mrs. Cruz at kasama rin dito sina Yayo Aguila, Dennis Padilla, Lui Manansala, at iba pa.

Paano mo ide-describe ang pelikula?

“Hindi ko pa nakikita iyong movie mismo but story wise, hindi ganoon kadaling gawin iyong pelikula. Maraming dapat isa­crifice at maraming dapat aralin sa kaunting oras, tapos kasabay ni­yan ‘yung show ko sa hapon. So, hirap minsan pagsabayin kasi magkaiba iyong character nilang dalawa.

“Pero nag-enjoy akong gawin ito, kasi una, sa El Nido, Palawan namin ginawa at lalo kang mai-inlove sa Palawan kapag napanood mo ito.

“Pangalawa, ‘yung mga katrabaho ko ang sasarap kaeksena. Marami akong natutuhan sa kanila, at pangatlo, tuturuan ka kung ano-anong ways para maka move on. Kung naniniwala ka ba sa marriage or commitment lang. This movie will show you the journey of finding yourself, and give you hints to some questions na lagi nating itinatanong kapag heartbroken tayo. And first movie ko ito sa Viva Films, kaya kinakaba­han ako and nae-excite,” paha­yag ni Ryza.

RomCom ba ito? Sa tingin mo, may hatid na kilig ito sa viewers?

Sagot ni Ryza, “Romcom siya, in a way, kakaiba ang treatment ng story at dapat abangan ninyo ‘yung mga twists.

“Iba’t ibang emotions ang mae-experience ninyo while watching it. At siyempre, kiki­ligin kayo sa mga eksena. Wala akong one particular favorite na eksena, pero ‘yung mismong preparations and challenge of how to portray my character, ‘yun siguro ang pinaka-favo­rite na na-exprience ko sa movie.”

Wish mo ba na ang nagawa ni Direk Sigrid sa Kita-Kita, ma-duplicate ng Mr. & Mrs. Cruz?  “Bawat pelikula naman hinihiling na mapansin ang mga pinaghihirapan nila,” matipid na tugon ni Ryza.

Ano ang masasabi mo kay JC? How about kay Direk Sigrid?

“Si JC, sobrang okay katrabaho. Hindi siya madamot sa bawat eksena, ‘tsaka ang dami ko rin natutuhan sa kanya. Sana lahat ng makatrabaho ko kasing generous niya. At ma­tiyaga siya, napakagaling na artista.

“Si Direk Sigrid naman, ang hands-on niya sa amin. From sa damit, galaw, tsaka sa boses. Open siya sa mga suggestions namin, masarap katrabaho kasi hindi kami nalilimitahan sa bawat galaw namin. Ang haba rin ng pasensiya niya sa aming dalawa ni JC, hahaha!”

 

NEWBIE ACTRESS
NA SI ARA ALTAMIRA,
RUMAKET SA ILANG
PROJECTS HABANG
NAGBABAKASYON

HABANG nagbabakasyon sa Filipinas ay nakagawa ng i­lang projects ang model-aktres na si Ara Altamira. Isa siyang Pinay na naka-base sa Indonesia. Bukod sa pagiging modelo sa naturang bansa, siya ay napabilang sa Top 15 Miss Popular DJ hunt finalist doon at nagkaroon ng cameo role sa pelikulang Takut Kawin.

Inusisa namin si Ara kung paano siya nag-start sa showbiz.

Kuwento niya, “Nagta-ta­lent/model na ako before rito sa ‘Pinas, then nag-work ako sa Singapore, nag-part time mo­del. Noong nag-close na ‘yung company ko sa Singapore, umalis ako sa Singapore and nag-try sa Indonesia since I had an offer po from the manager ng friend ko na nagmo-model na sa Indonesia ngayon.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved