Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Heaven Peralejo, thankful sa 2017 at looking forward sa dagdag na blessings sa 2018
Heaven Peralejo, thankful sa 2017  at looking forward  sa dagdag na blessings sa 2018

Heaven Peralejo, thankful sa 2017 at looking forward sa dagdag na blessings sa 2018

MASAYA ang magandang young actress na si Heaven Peralejo dahil naging maganda ang magtatapos na taong 2017 para sa kanya. Maraming blessings na dapat ipagpalasamat si Heaven sa taong ito, kabilang ang endorsements niya at iba pang projects sa showbiz.

Esplika ni Heaven, “Sobrang blessed po ang year 2017 sa career ko. Continuous po ang endorsements ko sa Apartment 8 Clothing na nagkaroon po ako ng photo-shoot sa Sydney, Australia kasama po ang Mom ko. New endorsement ang BNY Jeans na puro mall shows sa iba’t ibang parte ng Filipinas. Saka sobrang nakatutuwa po na sa BNY endorsement ko po ay mayroon na rin po akong picture sa mga wall calendar na mayroon sa buong Filipinas and mga buses here, all over Metro Manila.

“Mayroon din pong TV guestings like sa ASAP, Myx, MMK at siyempre, sa fantasy-serye na palabas pa po, iyong Wansapanataym, every Sunday after Little Big Shots, 7:45pm. Saka ipinalabas na po ang movie na Bes and the Beshies, tapos po ‘yung mga invitation po sa akin to sing sa schools, mga company, and fiesta sa iba’t ibang lugar ay continuous din po.”

Kabilang din sa project ni Heaven sa taong ito ang pe­likulang Bes and the Be­shies at ang fantasy serye nilang Wansapanataym Jasmin’s Flower Power with Janella Salvador.

READ MORE:  Sharlene San Pedro, recording artist na rin

Maituturing ba niyang biggest break sa TV ang Wansapanataym episode na ito?

Sagot niya, “So far po yes! As in, super big break ko po ito sa TV sa ngayon. Nag-start po ito ng November and until second week pa po ng January 2018 ito mapapanood. Happily it’s extended for three months! Na normally ay one month lang talaga ang itinatakbo nito. Kaya sa mga sumusubaybay po sa Wansapanataym ay maraming salamat! Abangan po ninyo dahil painit nang painit iyong istorya!”

Masayang saad ng talent ni Ogie Diaz.



Dagdag ng Kapamilya actress, “This January 17 ay ipalalabas na po ang Mama’s Girl kasama ko po riyan sila Ms. Sylvia Sanchez, Sofia Andres and Diego Loyzaga.”

Ano ang role mo sa movie? “Ang role ko po sa Mama’s Girl ay isa sa mga best friend ni Sofia Andres po.

READ MORE:  Rachelle Ann, paboritong ligawan ng mga male singer

“Ang dami ko pong natutuhan kay Ms. Sylvia! As in, super down to earth lang talaga siya and isa siya sa iniidolo ko sa industriya pagdating po sa aktingan dahil magaling talaga siya at award-winning actress pa.

“Si ate Sofia, super cool niya lang and we had dinner din tapos kuwentohan lang. She’s very aware sa lahat and that’s a good attitude.”



KIKAY MIKAY,
PATULOY SA PAGHATAW
ANG SHOWBIZ CAREER!

FIRST time namin na nakitang nag-perform nang live sina Kikay at Mikay sa ginanap na launching ng Fil-Alemania Production Company recently. Hanep pala talaga sa galing ang dalawang bagets!

Actually pati si Mommy Diane ni Kikay ay na-tension nang hindi gumana (dahil na-virus) ang dala nilang USB. Kaya imbes na sing and dance ang performance nila ay nag-improvise na lang sila at sumayaw na lang sina Kikay at Mikay. At dahil sa galing ng dalawa, sila’y kabilang sa nanalong performer that night.

Sina Kikay at Mikay ay under contract sa Viva Artists Agency. Lately ay kaliwa’t kanan ang kanilang TV appearances tulad sa Net25’s Pambansang Almusal, ABS-CBN’s Goin’ Bulilit, Pinas FM 95.5, at Impostora ng Kapuso Network. Napanood din kamakailan ang talented na duo sa Little Big Shots, hosted by Billy Crawford ng ABS CBN.

READ MORE:  Uge, aminadong super fan ni Maricel

Sa pelikula naman, nagbida na sa pelikulang Field Trip ang dalawa. Recently din, ang pelikula nilang Sikreto Sa Dilim ni Direk Mike Magat mula RM8 Films Movie Productions nina Mr. Ramon at Mrs. Myra Roxas ay nakapasok sa International Film Festival Manhattan New York at nanalo pa ng award. Bukod kina Kikay at Mikay, tampok din dito sina Akihiro Blanco, Dianne Medina, Mike, Lovely Rivero, Ricardo Cepeda, at Ralph Maverick Roxas.

Next month, sasabak sina Kikay at Mikay sa Asia’s New Top Model. Malaki ang tsansa ng dalawang talented na bagets na masungkit ang korona.

“Sa January 2018, nakapasok sila sa Asia’s New Top Model Face, hoping kami Tito na masungkit nila ang grand winner dito,” saad ni Mommy Diane.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved