Tuesday , September 23 2025

Super Rookie: Ravena beterano kung lumaro

HINDI isang bagito kundi beterano kung gumalaw ang super rookie na si Kiefer Ravena matapos ang pagpapasiklab sa kanyang unang dalawang laro sa Philippine Basketball Association.

Napili bilang ikalawang overall pick ng NLEX Road Warriors sa 2017 PBA Rookie Draft, unti-unti ay pinapatunayan ng 24-anyos na si Ravena na isa siya sa mga dapat katakutan sa kalaunan ng kanyang karera.

Nitong 17 Disyembre, nagpasiklab ang dating King Eagle mula sa Ateneo De Manila University sa muntikang triple double na 18 puntos, 12 assists at 7 rebounds sa 119-115 panalo ng NLEX kontra KIA.

Ito ang pinakamagandang debut para kahit kaninong freshman simula nang maglista si Johnny Abarrientos para sa Alaska ng pambihirang 20 puntos, 8 rebounds, 11 assists at 5 steals sa 113-103 kabiguan nila kontra sa Swift noong 1993.

At nitong Pasko ay muling nagpamalas si Ravena sa 115-104 panalo ng NLEX kotnra Globalport sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.



Nagbuslo ang anak ng dating PBA player na si Bong, ng 20 puntos, 5 assists, 4 steals, 2 rebounds at wala ni isang turnover sa halos 30 minutong aksiyon upang paigitingin ang kanyang kampanya sa Rookie of The Year na parangal bagamat dalawang laro pa lamang sa torneo.

Hindi na ito kataka-taka dahil sa lahat ng rookies ay si Ravena na marahil ang pinakahinog sa lahat. Bago sumalang sa PBA ay nag-ensayo sa koponang Texas Legends sa NBA G-League si Ravena bukod pa sa pagiging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Siya ang katangi-tanging manlalarong Pinoy na nagwagi ng apat na gintong medalya sa basketball matapos akayin sa kampeonato ang Filipinas sa 29th Southeast Asian Games ngayong taon na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagsisimula pa lang ang paglalakbay niya, pero isa lamang ang tiyak, iyon ang kasiguruhan na malayo ang malilipad ni Ravena.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Cayetano Bryan Bagunas Alas Pilipinas FIBV

Cayetano pinuri ang Alas Pilipinas sa pag-akyat sa ika-19 puwesto sa FIVB world championship

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang men’s volleyball team ng Pilipinas, ang …

FIBV Poland Canada

FIVB Volleyball Men’s World Championship
Poland tinalo ang Canada para umusad sa quarterfinals

UMARANGKADA ang Poland patungo sa susunod na round sa pagpapatuloy ng kanilang “redemption tour” Ipinakita …

Tats Suzara Pato Gregorio PSC PNVF Alas Pilipinas

Alas Pilipinas, Nagbigay ng Karangalan sa Bansa, Humahanga ang Mundo

NAGBIGAY ng hamon si Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, sa mga …

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas, inukit ang pamana ng puso sa kabila ng pagkatalo

NAGTAPOS ang kwento ng Alas Pilipinas sa kauna-unahan nitong paglahok sa World Championship nitong Huwebes …

Philippine Mind Sports Association PMSA Anne Bernadette AB Bonita

Pinoy Henyo, mapapalaban sa Int’l Memory Championships

HANDA at kumpiyansa ang Philippine Memory Team na magiging ispesyal ang kampanya sa kanilang pagsabak …