Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-aateng sexagenarian umilalim sa truck, 1 tigbak
Mag-aateng sexagenarian  umilalim sa truck, 1 tigbak

Mag-aateng sexagenarian umilalim sa truck, 1 tigbak

SAN FERNANDO, La Union – Binawian ng buhay ang panganay sa tatlong magkakapatid na sexagenarian makaraan pumailalim sa 10-wheeler truck sa bayang ito, nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, mula sa pamimili  sa palengke ang mga biktimang edad 61, 60, at 64, ay pata-wid sa pedestrian lane nang masagasaan ng truck.

“Nakita namin na nakaipit sa gulong ‘yung isang matanda, itinuloy pa no’ng driver na paandarin ‘yung truck, kung hindi namin sinabihan baka itutuloy pa niya,” kuwento ng nakakita na si Cristina Vergara.

READ MORE:  Kelot utas sa tandem (8-anyos sugatan)

Nakauwi na mula sa ospital ang magkapatid na sina Enderia Laudencia at Lydia Masacuy, ngunit binawian ng buhay ang kanilang ate na si Visitacion Pejo.

READ MORE:  Negosyante patay sa akyat-bahay

Humingi ng pasensiya ang driver ng truck na si Joseph Mendrano sa mga biktima.

Aniya, “Huwag sana silang magalit kasi disgrasya naman ‘yun, hindi ko naman napansin ‘yung ano at saka biglaan kasi na papasok sila kaya ‘di ko napansin.”

Habang sinabi ng mister ni Pejo na si Juanito, naiwasan sana ang insidente kung nagda-han-dahan ang driver sa pedestrian lane.

READ MORE:  Vendor utas sa jaguar na iritado sa aso

Hiniling niyang mag-karoon ng tanod ma-lapit sa tawiran para hindi na maulit ang kagayang insidente.

Nasa kustodiya ng San Fernando Police Station ang suspek na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved