Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sales ng tiket ni Miho, tumaas (dahil daw sa pagpaparetoke)
Sales ng tiket ni Miho, tumaas (dahil daw sa pagpaparetoke)

Sales ng tiket ni Miho, tumaas (dahil daw sa pagpaparetoke)

MABILIS na kumalat sa social media ang tsikang nagparetoke ang dating PBB Housemate na si Miho Nishida. Ito ay nag-ugat sa ba­gong lara­wang nai-post na ibang-iba sa rati niyang hitsura.

Hindi man nito tuwirang inamin o itinanggi (nagparetoke), marami ang nagsasabi na ginawa nga nito iyon.

Ayon nga kay Miho sa isang panayam, “Siyempre bilang isang artista para sa akin gusto kong lagi tayong maganda. And then happy ako kung ano ang mayroon sa akin. At mas lalong tumaas ‘yung (confidence) ko.”

Marami tuloy ang na curious na makita ito kaya mas tumaas ang sales ng nalalapit nito concert sa Dec. 20 sa Music Museum entitled, I am Unstoppable.

ANG LARAWAN,
GRADED A NG CEB

MAGANDA ang pelikulang Ang Larawan kaya nakakuha ito ng Graded A mula sa Cinema Evaluation Board. Ito ay MMFF entry nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro, at Joanna Ampil.

READ MORE:  Shows ng TV5, pasok sa top 15 (SpinNation, pinag-usapan sa social media)
READ MORE:  Investments ni Osang, naglaho nang lahat (Trust funds ng mga anak, ‘di pa naayos?)

Isa ito sa walong pelikula sa MMFF na dapat panoorin dahil sa magandang kuweto, mahusay, at de kalidad na mga artista bukod pa sa kapupulutan ng aral.

READ MORE:  Pangakong bonus ni Willie sa staff, ibinigay na! (Nagkaroon lang ng aberya, kaya na-delay)

Sa pagkakakuha nito ng Graded A, maraming netizens ang nagka-interes na panoorin ito. Isa na rito ang mga movie fanatic at very close friends na sina Haye Start, Ann Malig, Hazel Feliciano, Vernon Feliciano, at Tom Simbulan na nagsabing ito ang unang pelikulang panonoorin nila sa Kapaskuhan.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved