Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paul Sy, wish na bumalik na si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home
Paul Sy, wish na bumalik na  si John Lloyd Cruz  sa Home Sweetie Home

Paul Sy, wish na bumalik na si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home

ISA ang komedyanteng si Paul Sy sa mga naghihintay sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa kanilang sitcom na Home Sweetie Home. Ang naturang sitcom ay tinatampukan nina Lloydie at Toni Gonzaga.

“Wish ko po na maibalik kami na regular basis na talaga tulad nang dati at siyempre, ay wish din namin iyon na makabalik na sa Home Sweetie Home si Lloydie.

READ MORE:  Viewers, gigil na sa Ang Probinsyano

“Pero kung ano man ang maging desisyon ni Lloydie, siyempre po ay suportado naman namin iyon at nauunawaan namin siya. If anoman ang maging desisyon niya ay nirerespeto namin siya at deserve niya po talaga iyon na maging happy,” pahayag ni Paul na gumaganap bilang janitor sa opisina kung saan nagtatrabaho si Lloydie.

Sinabi rin niyang nami-miss na nila si John Lloyd.

READ MORE:  Martin at Yasmien, nag-enjoy sa PLDT Home Telpad treat

“Oo naman, miss na natin talaga si Lloydie. Kung silang viewers ay nami-miss nilang makita sa TV si John Lloyd, ano pa kaya kami na nakakasama namin siya sa hapag kainan. Hindi po ba?

“Kahit si Ellen (Adarna), miss na rin po namin siya.”

Anyway, si Paul ay isa sa cast ng advocacy film na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ng actor/politician na si Alfred Vargas. Very soon ay iikot na ang naturang pelikula sa mga paaralan sa buong bansa.

READ MORE:  LJ, bagong dyowa raw ni Paolo Contis

Mula sa direksiyon ni Perry Escaño, tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cua­derno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Loren Burgos, Kiko Matos, Ernie Garcia, Tori Garcia, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved