Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Haunted Forest,  may laban sa Top 3
Haunted Forest,  may laban sa Top 3

Haunted Forest,  may laban sa Top 3

MALAKING hamon para sa cast ng Haunted Forest ng Regal Films na maging number one sila dahil alam naman nilang mahigpit ang mga makakalaban nila lalo na’t parehong pambata ang Ang Panday at Gandarrapiddo The Revenger Squad nina Coco Martin at Vice Ganda.

Pero umaasa silanna since Haunted Forrest lang ang horror film among the entries ng 2017 MMFF ay posibleng lumaban sila sa number 3 slot.

Sabi ni Jameson Blake, “well since nakapasok sa MMFF and speaking sa mga kalaban I believe na we will be in the top 3 kasi every MMFF there’s always an horror movie and hopefully top 3 talaga.”

Ayon naman sa bidang si Jane Oineza, “siyempre nakaka-pressure po since first time ko ring mag-MMFF but then gaya ng laging sinasabi, proud naman po kami sa ginawa namin at ibinigay ko rin ang best ko at doon palang ay masaya na po ako at ang aim ko ay mag-enjoy (sa takot) ang lahat ng makakapanood ng ‘Haunted Forest’ and pasok palang kami sa MMFF ay malaking karangalan na dahil hindi naman lahat ay nakapasok.

Nang nalaman ko po na kasama kami sa MMFF, siyempre po I was very happy but kasama rin po ‘yung pressured kasi ang lalaki ng kalaban naming movies but naniniwala naman ako na may mga supporter talaga na lahat ng pelikula ay pinanonood lahat tuwing Metro Manila Film Festival and kami lang ang horror kaya ‘yun po ‘yung edge namin kaya I’m pretty sure na maraming adventurous na mga tao kaya tiyak na panonoorin nila ang ‘Haunted Forest’,” say naman ni Maris Racal.

READ MORE:  Foreigners, enjoy din sa mga pabebe ng Aldub (Hindi lang Pinoy ang nahuhumaling)

“Gaya nga po ng sinabi nila na itong ‘Haunted Forest’ ang  nakapasok sa MMFF kaya malaki ang chance na kasama ang pelikula namin sa pag-uusapan (word of mouth) at tatangkilikin ito ng tao.  

Tungkol naman po sa pressure, hindi po ako nagpapa-pressure sa sarili ko kasi totoo lang na makasama na ang pelikula namin sa Metro Manila Film Festival ay parang nanalo na po kami at masaya na kami. Naniniwala rin po ako na kapag maganda ang pelikula mo ay tiyak na panonoorin ito,” saad naman ni Jon Lucas.

DIREK IAN,
MAS EXCITED
KAYSA PRESSURED

SAMANTALA, sa huling horror movie ng Regal Films na ipinalabas noong 2015, ang Haunted Mansion nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce na idinirehe ni Jun Lana ay kumita ng P159-M kaya natanong si direk Ian Lorenos kung pressured siya sa Haunted Forest na dapat lampasan ang kinita ng nauna.

Hindi naman po pressured kasi confident po ako sa Regal the ability to market and to make successful film and confident so far na nagawa namin ang pelikula as expected so warm excited po, hindi pressured,” katwiran ni direk Ian.

Ano ang pipiliin ni direk Ian, award o box office?

Ano po kasi, if you win ang award is an honor pero kung hindi naman kumita, may kulang and at the same time ganoon din kapag kumita ang pelikula mo pero binash ka naman dahil hindi maganda or something, may kulang pa rin. So siguro both na lang po hindi naman siguro masama ‘yun,” paliwanag ni direk Ian.

READ MORE:  Maine, lilipat na ng ibang network?

Abangan sa mga sinehan ang Haunted Forest sa Disyembre 25 lalo na sa mahihilig sa horror dahil tiyak na mag-eenjoy nga kayo kaya magsama ng mga kaibigan para mas masaya kapag nagsisigawan.

KRIS NAGULAT,
COVER NG PEOPLE
ASIA MAGAZINE

AS of this writing ay nasa NAIA Terminal 3 na ang mag-iinang KrisJoshua Aquino, at Bimby Yap patungong ibang bansa para magbakasyon.

Tinapos naman muna ng Queen of All Media ang lahat ng obligasyon niya bago siya umalis.

Base sa post ni Kris nitong Sabado bago siya matulog, ”A mom’s work is never done- and I thank God for that privilege. Shot 10 layouts, 80% done supervising our packing for 2 weeks-vacation, wrote personal messages on more than 60 Christmas cards (sorry, habol ako between New Year & Valentine’s 2018 for the rest- promise!.

“Approved webisodes we’ll be uploading while I’m away, double checked our Christmas delivery list, left the cash gifts & GCs for Jack, Rochelle & KCAP to distribute, organized all our medicines, vitamins, essential oils, downloading shows & movies on iTunes to make sure my 2 will be entertained, readied our @livesmart#TravelWifi, and now ready to sleep.

“I apologize for blurring so much- I just wanted to share w/ all of you 1- how “petite” I am beside my 2 giants, and 2- that I’m really so grateful to God for guiding me in raising these 2 loving, respectful, generous, obedient, & kind hearted sons. May your Simbang Gabi prayers be answered in God’s best way & perfect time, good night- happy to now get my 4 hrs of sleep.”

Sobrang tuwa naman ni Kris dahil naging cover siya ng People Asia Magazine na pawang successful at influential people lang ang ikino-kober.

READ MORE:  JulianElla, walang balak tapatan ang JaDine

Post ni Kris, ”This PEOPLE ASIA accolade shocked me! Thank you @joanneraeramirez & @bumtenorio!!! (We knew i was named 1 of the People of 2017, didn’t know I was the cover).

“My last work day for the year is about to start- there are a lot of people in my life who really stayed & continued believing, this is a THANK YOU @alvingagui(yehey you are back in January),  @jacksalvador, @jonathanvelasco,  @nantealingasa,  @angeljamelarin03, of course @juansarte & @rbchanco, Shayne Sarte, Lee Meily, my style team @kimiyap & @boopyap, my Attorneys (Atty Sig Fortun & Atty Princess), my accountants, my food business partner & inaanak @chadominic, & of course the man who will shoot me today @markednicdao.

“And then there are the new team members who made the dream a reality, led by @nix722, everyone at KCAP including our suppliers RS Video & Ceve Multimedia, @jiggycruz, direk @aalixjr, and Rochelle.

“I’ve stayed alive & relevant because of our media partners @facebook,  @instagram, @google, @youtube and the FAITH of @iflix.ph, @nbsalert,  @unipakmackerel, Ultherapy, @thesmstore, @smsupermalls, BDO, @livesmart, @pldthome, Bayer Philippines, Nespresso, Adobo Mall, Fiesta, Fucidin, and the 4 who never wavered #LBC, #Petron & the entire SAN MIGUEL family, @chowkingph & #ARIEL w/ the P&G family. (Not allowed to mention because of NDAs but there are 6 new endorsements to be shot in January/February plus 3 renewals). #gratitude.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved