Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BF ni Jasmine, supportive
BF ni Jasmine, supportive

BF ni Jasmine, supportive

SAMANTALA, ang mga mahihilig naman sa surfing ang makaka-appreciate sa Siargao ni direk Paul Soriano na ang mga bida ay sinaJericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.

Sa presscon nila na ginawa sa STKD (Stoked) store ng mga surfboard, mga gamit sa surfing, motorcycles and more na may coffee shop in the heart of Pasig, nakausap namin ang napapabalitang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.

Isa pala siya sa may-ari at nagma-manage ng lugar. And he is very accommodating sa tsikahan. Kahit pa alam niyang pawang about his girlfriend ang pupuntahan ng kuwentuhan.

READ MORE:  Ayokong ibuhos ang buong pagmamahal ko sa BF ko, dapat magtira rin ako sa sarili ko — Mommy Dionisia

Napag-alaman namin na very supportive si Jeff kay Jasmine. Pero hindi pa sila agad susunod kina Anne (Curtis) at Erwan Heussaff sa paglagay sa tahimik.

“I know how she worked so hard for Anne’s wedding being so hands-on to make it something very special for her sister and Erwan. Kaya, I am just letting her rest and just do the things she wants to do. And it’s a good thing na their movie is showing na kaya mayroon din siyang pagkakaabalahan.”

Jeff said that Jasmine is not a part of his business.

READ MORE:  Madalas na split dance sa Wowowin, ikinababahala ng mga ina

“But we are talking about her being a part of it. I am just making her think about the decision she will make. Of course, hindi naman dapat na i-push. Gusto ko lang na gusto niya talaga ang papasukin niya.”

To be part of it pala eh, milyones din ang ii-invest mo.

READ MORE:  Zsa Zsa, ayaw ng bonggang kasal, makikipagtanan na lang

Sa kabilang banda, ang nagbuyangyang na ng kanyang angking alindog sa isang inumin na si Erich eh, naging komportable naman sa pagsusuot niya ng skimpy bikinis sa kanilang pelikula.

Sa paggawa ng nasabing pelikula naiugnay si Erich sa kanyang director.

Simple lang ang hirit ni Paul. That his life revolves around his kid.

Lang?

HARDTALK
ni Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved