Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa magiging tunay na bastonero
Gen. Ronald “Bato”  Dela Rosa magiging  tunay na bastonero

Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa magiging tunay na bastonero

MATAPOS ihayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na itatalaga niya si outgoing PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa Bureau of Corrections (BuCor), marami na ang nagpalakpakan, kabilang na ang inyong lingkod.

Naniniwala kasi ang inyong lingkod na ka­yang-kaya ni DG Bato ang trabahong iaatang sa kanya ng Pangulo bilang Director ng BuCor.

Bagay na bagay sa kanya at kayang-kaya niyang patinuin ang mga siga at pasaway sa National Bilibid Prison (NBP).

READ MORE:  NBI pinuri ng PCSO kontra ‘jueteng’ (PNP laging malamya)

Hindi ba’t nagparamdam na siya nitong nakaraang araw at sinabing muling pagsasamahin sa iisang building ang mga binansagang bigtime drug lords?!

Sana ay maglunsad din ng Operation Tokhang sa vicinity ng Bilibid si DG Bato para tuluyang madurog ang mga sindikatong humahakot ng kuwarta riyan dahil sa ilegal na gawain.

READ MORE:  BI Ex-Comm. David Dayunyor nasa kampo ni Duterte na!

Paalala lang po DG Bato, malaking budget rin ang pinag-uusapan sa NBP.

At halos magkakasabwat na riyan ang ilang grupo ng mga guwardiya, concessionaire at i­lang opisyal.

Hindi lang barya ang budget na pinaglalawayan ng ng mga ‘aso-aso’ sa pali-paligid  na gustong makabingwit ng mga posisyon at proyekto sa loob ng NBP lalo na ‘yung kung tawagin ay pagkaing-preso.

READ MORE:  Si Digong Duterte ba o ang pambansang pabebe wave ng AlDub?

Pagkaing-preso pero milyon-milyong piso ang kinakamal ng sabwatan ng mga tiwali sa nasabing ahensiya.

Sulong na agad, General Bato!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved