Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ice balls inanod sa baybayin ng Russia
Ice balls inanod sa baybayin ng Russia

Ice balls inanod sa baybayin ng Russia

LIBO-LIBONG perfectly formed ice balls ang inanod sa bayba­yin ng Russia, ngunit kung paano sila napunta roon ay nanatiling misteryo.

Ang nakapagtatakang insidente ay kinuhaan ng video ng napadaang Netizen na si Yuryi Shahov, na ipinakita ang mga bilog na parang mistulang higanting mga itlog ng balyena, habang gumugulong mula sa dagat.

Ang ice balls ay nadiskobre sa Gulf of Finland sa north western Russia.

At bagama’t walang sino mang nakababatid kung paano iyon napunta roon, sinabi ng local ecolo-gical expert na si Ilya Leukhin, ito ay maaaring dulot ng oil pollution.

Aniya ang ice balls – na may sukat na 17cm sa diameter, ay maaaring nabuo mula sa tumagas na langis sa tubig.

Ngunit hindi lamang siya ang ang mayroong possible explanation para  sa nasabing phenomenon.

Sa ini-post niyang vi-deo sa internet, sinabi ng Netizen: “Seems that someone has thrown snowballs into the Gulf.”

Habang ang iba ay naniniwalaang ang niyebe ay pinabilog ng mga alon. Sa isa pang teorya, ang ice balls ay maaaring mga bato na nabalutan ng yelo.

Hindi batid na ang mga balyena ay mammals na nagsisilang ng anak, ilang tao ang may ibang suhesti-yon.

Anila, “This is whale caviar. Do not listen to anyone and look for a dead whale nearby. Those usually die right after sweeping away the eggs.”

At habang ang iba ay nasisiyahan sa pagmamasid sa pambihirang tanawin, ang iba ay sumang-ayon na ito ay sanhi polusyon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga teorya, wala pang paliwanag hinggil sa pag-iral ng mga bola ang tinatanggap. (mirror.co.uk)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved