Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dawn Zulueta sobrang nag-enjoy sa MMFF movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh” (Movie with a heart para sa actress)
Dawn Zulueta sobrang nag-enjoy sa MMFF movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh”  (Movie with a heart para sa actress)

Dawn Zulueta sobrang nag-enjoy sa MMFF movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh” (Movie with a heart para sa actress)

OBYUS na nag-enjoy nang husto si Dawn Zulueta sa paggawa ng reunion movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh.”

Ayon sa description ng magandang actress ay pelikulang may puso.

“It’s a movie with a heart.”

Kitang-kitang masaya si Dawn sa muli nilang pagtatambal ni Bossing Vic, na una niyang nakatambal noon sa “Okay Ka Fairy Ko” na isang fantasy at hit show noon sa GMA 7 at naging blockbuster ang movie versions.

“Pero rito, wala munang fantasy, ipapakita namin ang relasyon ng family, ang family’s life lessons and values,” sey ni Dawn.

“Muli akong nag-enjoy na kasama si Bossing, na-miss ko na siyang makatrabaho. Actually ganoon pa rin siya, hindi siya nagbabago. Hindi siya tumatanda at sabi ko, yummy pa rin siya. At sa set hindi kami nagugutom, laging maraming pagkain,” pagbibida niya sa kanyang leading man na komedyante.

READ MORE:  Wishcovery Singing Competition ng Wish 107.5, inilunsad

Nang tanungin naman kung bakit niya tinanggap ang isang comedy movie e, sanay ang tao sa kanya sa drama.

“Natuwa nga ako nang i-offer sa akin itong  movie, sabi ko iba naman, dahil laging drama ang mga teleseryeng ginagawa ko, saka basta naman maganda ang project, drama o comedy man, tatanggapin ko.

READ MORE:  Harvey Bautista, gusto ring maging director tulad ng kanyang Lolo Butch

Lalo na nang malaman kong for the MMFF ito, hindi talaga ako tumanggi, na-miss ko na rin ang pagsakay sa float.”

Hindi pala naniniwala si Dawn sa competition sa iba pang entries. “Hindi ako affected ng competition. Kasi para sa akin naman, kaya nga it’s a festival, it’s for all of us to show kung ano ang naihanda natin para sa publiko,” katuwiran niya.

“Masaya kasi lahat ng mga kasama namin, magagaling din. Mga mahal ko rin iyan. Si Coco (Martin), si Vice (Ganda). Exciting din , kasi mukhang maganda rin ang ipakikita ng kanilang pelikula. Dapat panoorin lahat,” pag-iimbita ni Dawn sa lahat.

READ MORE:  Aljur, nagtiyaga na uli sa GMA dahil walang ibang network na pumatos sa kanya

Bukod sa kanila ni Bossing, kasama rin sa Meant To Beh, ang cute at bibong si Baeby Baste, Andrea Torres, JC Santos, Daniel Matsunaga, Ruby Rodriguez, Sue Ramirez at ang love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

May special partipation ang tatlong popular lolas na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros at ang loves ni Bossing na AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Si Direk Chris Martinez ang nagdirek nito at showing na in cinemas nationwide sa Dec. 25.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved