Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard, nakabalik na; Empoy, pinakamalakas na tinilian (sa Christmas special ng Dos)
Richard, nakabalik na; Empoy, pinakamalakas  na tinilian (sa Christmas special ng Dos)

Richard, nakabalik na; Empoy, pinakamalakas na tinilian (sa Christmas special ng Dos)

MATAGUMPAY ang Christmas special ng ABS-CBN 2 na Just Love The ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Paskong-Pasko ang mararamdaman sa mga OPM Christmas songs na kinanta ng mga Kapamilya singer.

Punompuno ang Araneta ng fans ng KathNiel, LizQuen, JaDineMayWard, KimXi, JoshLia, MarNigo atbp..

May mga artista na grabe ang sigawan ng fans kapag lumalabas at mayroon ding hindi na sinisigawan.

READ MORE:  Richard Yap, ‘di pa handa sa malakihang concert

Nagulat kami dahil dumagundong ang sigaw sa Araneta nang lumabas si Richard Gutierrez. Nakabalik na talaga ang aktor mula nang maging Kapamilya at regular na napapanood sa La Luna Sangre.

Pero bakit ‘yung isang dating sikat na Kapuso actor na lumipat ay hindi pa rin tinilian ng fans?

Lumevel si Joshua sa lakas ng sigawan kina Enrique Gil at James Reid na magkakasabay sa entablado. Ang lakas din ng tilian kina Arjo Atayde, Matteo Guidecilli , Paulo Avelino, at Xian Lim. Halos mawasak naman ang Araneta sa lakas ng tiliaan nang lumabas na sina Jericho Rosales, Daniel Padilla, at Piolo Pascual.

READ MORE:  Proyekto ng PLDT Gabay Guro, kahanga-hanga

Pero ang pinakamalakas ang sigawan at nakagugulat ay kay Empoy habang kinakanta ang themesong ng Kita Kita. Marahil ay maraming fans ang natutuwa sa kanya. Nakuha niya lahat ang fans ng KathNiel, LizQuen, JaDine atbp..

READ MORE:  Albie, Kean at Kylie, patalbugan sa Triptiko!

Marami rin ang bumilib kay Sharon Cuneta dahil pumayag ito na makasama sa production number kahit puwede siyang magsolo bilang isang megastar.

Panoorin ngayong weekend , Dec. 16 at 17 ang Christmas Special sa ABS-CBN 2.

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved