Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora, ‘di na nagtangkang sumali sa MMFF 2017
Nora, ‘di na  nagtangkang sumali  sa MMFF 2017

Nora, ‘di na nagtangkang sumali sa MMFF 2017

SABI naman nila, mukhang ito lamang ang taon na walang pelikula si Nora Aunor na kasali sa Metro Manila Film Festival. Kung natatandaan ninyo, ilang sunod-sunod na tao ay may pelikula si Nora na kasali sa festival. Sa pagkakataong ito mukhang walang nagtangka bagamat sinasabi nilang may mga tapos na pelikula si Nora na maaaring isali sana sa festival.

READ MORE:  Goin’ Bulilit, nasa HongKong Disneyland

Ang problema lang kasi sa mga pelikula ni Nora, at ang nagiging issue ay iyong inaalisan iyon ng mga sinehan. Ganyan naman talaga ang issue lagi basta mahina sa takilya ang isang pelikula. Binabawasan sila ng sinehan para ang mga sinehan ay maibigay sa mas malalakas na pelikula. Kung minsan mayroon pa noong tinatawag na “slide” iyong dalawang pelikula ang naghahati sa isang sinehan.

READ MORE:  Shyr Valdez, hanga sa pagiging totoong-tao ni Super Ma’am Marian Rivera
READ MORE:  Chrome, wish mapasama sa Ang Probinsyano

Pero wala kang magagawa kung ganoon talaga iyon. Sino ba ang may gustong malugi?

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved