Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)
Empleyado ng Las Piñas  City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)

Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)

PATAY ang isang 60-anyos empleyado ng Las Piñas City Hall makaraan pagsasaksakin ng vendor nang paalisin ang paninda dahil nakaaabala sa kalsada sa clearing ope-ration sa lungsod, kahapon ng umaga.

Hindi umabot nang buhay sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez y Dela Cruz, Jr., tinamaan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

READ MORE:  PNoy ‘missing in action’ sa Zambo siege

Habang arestado ang suspek na si Jenie Ermac Talisic, 30, fruit and vegetable vendor, residente sa Block 2, Lot 8, Apricot Street, Sihanoc Village, Brgy. Talon 4 ng lungsod.

READ MORE:  Bentahan ng droga sa bus terminal talamak na (PNP-AIDSOTF naalarma)

Sa report kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Marion Balong-long, nangyari ang insidente malapit sa Philippine Merchant Marine School (PMMS) sa Talon 4.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng clearing o-peration ang mga tauhan ng Traffic Anti-Vendor, kabilang ang biktima, sa kahabaan ng San Antonio Valley Road dahil sa nakahambalang na mga paninda ng mga vendor sa kalsada.

READ MORE:  ‘Sex’ inuna ni De Lima kaysa bayan — Digong

Pinaaalis ng biktima ang mga paninda ng suspek na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang  pagsasaksakin ni Talisic si Lopez.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved