Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paulo Avelino sa pag- audition sa Ang Larawan: Maganda ‘yung trinabaho mo, pinili ka hindi dahil sikat ka o anuman
Paulo Avelino sa pag- audition sa Ang Larawan: Maganda  ‘yung trinabaho mo, pinili ka  hindi dahil sikat ka o anuman

Paulo Avelino sa pag- audition sa Ang Larawan: Maganda ‘yung trinabaho mo, pinili ka hindi dahil sikat ka o anuman

HINDI ikinaila ni Paulo Avelino na nag-audition siya para sa role ni Tony Javier, isang heartthrob at isa sa importanteng role sa Ang Larawan. Ito ay base sa A Portrait of the Artist as a Filipino ni Nick Joaquin na isinalin sa Tagalog at isinulat ang libretto ni Rolando Tinio.

Ani Paulo, ”Nag-audition ako. Maganda kasi ‘yung makakapasok ka sa pelikula dahil trinabaho mo, dahil pinili ka, hindi dahil sikat ka o anuman.”

Iba kasi ang nararandamang katuparan ni Paulo kapag sumasailalim sa audition.

“’Pag nag-a-audition ka, parang nagiging grounded ka, eh. It humbles you. Parang paalala rin sa sarili mo na, ‘Uy, aktor at huwag kang umastang kung sino.’

“Kasi you have to start again. Kapag nagsisimula ka ulit sa baba at parang hindi ka sigurado kung makukuha ka o hindi, parang maraming realization, na dapat hindi ka makampante kasi marami ring magagaling,” anang actor.

READ MORE:  Kotse ni actor, mabantot, balik na naman daw kasi sa rating bisyo

Hindi rin itinanggi ni Paulo na nahirapan siya sa kanyang role.

“Nahirapan ako sa singing part. Kasi si Ms. Celeste (Legaspi) masyadong perfectionist. Nakatutok siya sa akin, so kapag may mag-off lang ng kaunti sa key, ulit na naman.

“Pero naiintindihan ko kung sinisita ako. Hindi ako nao-offend. Celeste Legaspi ‘yon at alam niya ang ginagawa niya. May tenga siya for that and siyempre, bilang baguhan, nakikinig ka sa mas nakaaalam.

“Kasi hindi ito ‘yung pagkanta na parang favorite mong kanta puwede mong kantahin o kung saan ka magaling. Ito kasi, theatrical, napakaraming rehearsals, napakaraming trainings,” lahad pa ng aktor.

READ MORE:  Joshua sa sobrang PDA kay Julia — Natural na lumalabas dahil mahal ko siya

At bagamat nahirapan, masaya si Paulo na napasama sa Ang Larawan.

“It’s an honor to be here and to work with such big and great names,” giit ni Paulo. ”Bihirang makabuo ng ganitong kalaking cast. It’s an all-star cast. It’s a nice mix and I couldn’t believe na kayang bumuo ng cast for a film,” paliwanag pa ni Paulo.

Ang Larawan ay Graded A ng Cinema Evaluation Board at entry ng Culturtain Musicat Productions sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanood sa December 25.

READ MORE:  Pamilya ni Mars Ravelo, may espesyal na regalo kay Liza

Finalist ang Ang Larawan sa Asian Future Prize Award sa 30th Tokyo International Film Festival at Opening Film sa 2017 Cinematografo International Film Festival sa San Francisco.

Bukod kay Paulo, kasama rin dito ang magagaling na mang-aawit, actor, at gumaganap sa teatro na sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo, Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Sandino Martin, Cris Villonco, at Aicelle Santos. With special participation nina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas, Dulce, Nanette Inventor, Rayver Cruz, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo, at Leo Rialp.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved