Categories: News

Curfew ordinance sa Navotas ihahabol sa Simbang Gabi

Share

POSIBLENG maihabol ang pagpasa ng bagong ordinansa sa “curfew” sa Navotas City na una nang ibinasura ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng mga menor-de-edad.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na “for signature” ang bagong ordinansa na iniakda ni Konsehal EJ Arriola at inaasahang maipalalathala na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre.

“The draft ordinance has undergone changes based on the inputs from various sectors. Makakaasa kayo na sakaling matapos na ito ay agad nating ipatutupad sa lungsod,” ayon kay Tiangco.

Una nang ibinasura ng Korte Suprema nitong Agosto ang ordinansa ng Navotas City kasama ang ordinansa ng lungsod ng Maynila makaraang ipetisyon ng grupo ng mga kabataang Spark.

Inireklamo ng Spark ang mga nakasaad na panuntunan sa ordinansa na napakahigpit at sumisikil umano sa mga isinasaad ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Sinasakal rin umano nito ang mga pangunahing karapatan ng mga kabataan kabilang ang karapatan sa pagsali sa mga organisasyon, karapatan sa relihiyon, pag-oorganisa at karapatang magpahayag.

Makaraan ibasura ang ordinansa, tumaas umano ang mga insidente ng karahasan katulad ng mga rambol sa Navotas na sangkot ang mga kabataan na nasa kalsada pa kahit dis-oras ng gabi.

May ulat na inihawig na lamang ng Navotas City Council ang bago nilang ordinansa sa ipinatutupad ng Quezon City na pumasa sa pamantayan ng Korte Suprema.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng mas mabigat na parusa sa mga magulang o guardian ng mga kabataan na mahuhuling lumalabag sa ordinansa.

Inaasahan ipagbabawal sa kalsada ang mga kabataang edad 17-pababa mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Maaaring makalusot dito ang mga kabataan na dumadalo sa mga aktibidad sa paaaralan o relihiyon, dumadalo sa mga party o ibang selebrasyon na may kasamang nakatatanda.

(JUN DAVID)

Jun David

Published by
Jun David

Recent Posts

Rannie, aktibo pa rin nakipag-collaborate sa Himaya Band

HINDI nawala si Rannie Raymundo sa music industry. Ito ang nilinaw ng magaling na singer sa re-launching at re-packaged ng grupong Himaya at… Read More

6 hours ago

Kris, handang tapatan ang mga Marcos (sakaling tatakbo)

OVERWHELM si Timi Aquino na mismong si Kris Aquino pa ang nag-ayos ng isinagawang presscon noong Lunes ng hapon. Nagpaalam pa nga si Kris… Read More

6 hours ago

Clark International Airport na ginastusan nang bilyon bumigay agad sa magnitude 6.1 earthquake?!

HINDI natin iniismol ang magnitude 6.1 lindol na puminsala sa Luzon nitong Lunes. Nakatatakot iyon. Pero ang higit na nakatatakot… Read More

11 hours ago

Cadaver in a plastic sa flight PR 113 sa loob ng 11 oras

ISANG kamag-anak ng ating kabulabog ang disgusted sa kanyang huling biyahe sa Philippine Airlines (PAL). Hindi raw niya akalain na… Read More

11 hours ago

Cadaver in a plastic sa flight PR 113 sa loob ng 11 oras

ISANG kamag-anak ng ating kabulabog ang disgusted sa kanyang huling biyahe sa Philippine Airlines (PAL). Hindi raw niya akalain na… Read More

11 hours ago

Matibay, ligtas na pabahay seguruhin — PBB Party-list

IPINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksiyon ng mga govern­ment housing unit kasunod ng… Read More

11 hours ago