Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Upcoming teleserye ng LizQuen, nilait ni Suzette Doctolero
Upcoming teleserye ng LizQuen, nilait ni Suzette Doctolero

Upcoming teleserye ng LizQuen, nilait ni Suzette Doctolero

WAGAS talaga kung makapanlait ang GMA writer na si Suzette Doctolero. Hayun, ang napagtripan naman niya ay ang upcoming LizQuen teleserye ng ABS-CBN.

Pamperya raw kasi ang mga costume ng cast members nito, halatang kinopya ang likha niyang fantaserye sa GMA na sa totoo lang ay wala namang bago sa Book 2 nito.

As usual, niresbakan siya ng mga netizen. Bago raw sana magpakawala ng mga salita ang Suzette na ‘yon ay suriin muna niya ang mga kuwentong isinusulat niya na kinopya rin naman, worse, mga seryeng mabilis matsugi sa ere.

Kung kami sa Suzette na ito’y magpo-focus na lang kami (gaya ng advice sa kanya ng writer ng LizQuen series) sa aming trabaho sa halip na pulaan ang ibang show.

How very unethical!

Ewan kung may pagkilos muna sa GMA management to curb Suzette’s misconduct. Sa halip kasi na maging asset siya sa estasyon, she’s proving herself to be a liability.

READ MORE:  Maepal na female TV celeb, sobrang nakaistorbo sa AlDub

Ilang beses nang inakusahang kinopya rin lang ni Suzette ang mga gawa niya, why can’t she endeavor to come up with original stories? Isabay din niya ang taimtim na panalangin na mag-rate ang kanyang mga kuwento’t tumagal-tagal naman sa ere, ‘no!

EVENT PLANNER,
TINABLA NI AI AI

NALULUNGKOT man pero tinanggap na lang ng isang grupo ng mga events planner ang pananabla sa kanila ni Ai Ai de las Alas na maging bahagi ng pagpapakasal nito sa nobyo sa December 12.

Nakausap namin ang isa sa kanila whose name ay hindi na namin babanggitin pa. Pagkapahiya sa kanyang mga kasamahan ang naramdaman daw niya sa pagbabagong-isip ng komedyana.

“Kami ‘yung grupong Team Shutter Steve na nasa likod niyong gawaran si Ai Ai ng Papal award last year. Dahil nagandahan naman siya sa result ng trabaho namin (ng walang bayad, sa aming pagkakaalam), sabi niya sa grupo, ‘Uy, kayo na rin ang in-charge sa wedding ko, ha?’ Siyempre, natuwa naman kaming lahat,” sey ng naghihimutok naming source.

READ MORE:  Nagmamahalan kami ni Kim — Xian

Ang Team Shutter Steve ay nagdaraos taon-taon ng bridal fair ng libre. Sa naturang fair ay present ang mga supplier, florist, gown designer, videographer, catering service at kung sino-sino pang tauhang makakaagapay ng mga ikakasal sa kanilang pag-iisandibdib.

For some unknown reason daw ay hindi na ang nasabing pangkat ang kinontak at kinuha ni Ai Ai sa December 12 wedding nila ni Gerald Sibayan.

“Magkahalong gulat at disappointment ang naramdaman naming lahat. All the while kasi, eh, nagplano-plano na rin kami, tapos, biglang-bigla, eh, hindi na raw kami ang kukunin? Kumuha siya ng ibang wedding planner. Kinailangan kong ipaliwanag nang maayos sa mga kagrupo ko na hindi na nga kami ang magseserbisyo kay Ai Ai,” mahabang emote niya.

READ MORE:  Nora, ‘di atat na maging National Artist

How sad, really, really sad.

AGUINALDO
NG MGA ARTISTA,
MATUMAL

SA totoo lang, matumal ang dating ng mga aguinaldo ng mga artista para sa entertainment media. Mahina kaya ang raket nila? O sadyang nagtitipid sila dahil mayroon silang mas mahalagang pinaglalaanan ng kanilang budget?

Naikukompara kasi ang kasalukuyang taon sa mga nagdaang panahon. Mas galante ang mga artista noon kompara this year.

Hindi kaya nag-donate sila sa Marawi City na napinsala nitong magkagiyera roon?

“Excuse me!” pagtataray ng isang kasamahan. ”Iilan lang naman ang nag-donate roon, ‘no! Ang lagay, bawat artista, nag-donate?”

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved