Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Tunay na lingkod bayan si SOJ Vitaliano Aguirre
Tunay na lingkod bayan  si SOJ Vitaliano Aguirre

Tunay na lingkod bayan si SOJ Vitaliano Aguirre

PAGDATING sa pagseserbisyo sa bayan ay numero uno si Justice Secretary Atty. Vitaliano Aguirre. 

Masagasaan na ang masagasaan ay kanyang gagawin pagdating sa hustisya para sa bayan.Tapat siya sa kanyang sinumpaang tungkulin. 

*** 

Pinaimbestigahan niya sa NBI ang right of way scam ng DPWH na kinakasangkutan nila dating Secretary Rogelio Singson, Sec. Butch Abad at  bayaw ni Pnoy na si Eldon Cruz. 

‘Pag napatunayan na may sala sila tiyak himas rehas sila. 

Itong whistleblower na si Catapang ay nasa DOJ protection witness na ngayon at kompleto ng dokumento na talagang detalyado. 

Kaya tiyak, marami pang ilalabas na mga anomalya noong panahon ni Pnoy. 

*** 

Tama si Secretary Aguirre, dapat managot sa batas ang mga mandarambong sa bayan. 

Seryoso si Secretary Aguirre na kalkalin lahat ang  mga plunderer sa ating bansa ayon na rin sa kautusan ni Pangulong Digong. 

Pinakilos niya ang NBI na imbestigahan lahat. 

Kakaiba si Secretary Aguirre kapag nagtrabaho pulido  kaya naman mahal siya ng mga tao. 

Workaholic at sincere na magtrabaho para sa ikabubuti ng bayan. 

Mabuhay ka Secretary Aguirre! 

You’re the best! 

*** 

Matagumpay na nairaos ang NBI shooting Director’s Cup ni Atty. Dante Gierran. 

Maraming lumahok at dumalo na puro magagaling na shooter ng NBI. 

Ang kikitain ng shootfest na ito ay ibibigay sa mga empleyado ng NBI na may mga sakit at sa pamilya nito. 

Pusong makatao talaga si NBI Director Gierran kaya ginawa niya ito para makatulong sa kanyang mga tauhan. 

COMMENTS
READ MORE:  Birthday ng solon o big night sa beer house?

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved