Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rayver, malabong umalis ng ABS-CBN; Susubok pa rin sa musical kahit nahirapan sa Ang Larawan
Rayver, malabong umalis ng ABS-CBN; Susubok pa rin sa musical kahit nahirapan sa Ang Larawan

Rayver, malabong umalis ng ABS-CBN; Susubok pa rin sa musical kahit nahirapan sa Ang Larawan

GALING na mismo sa bibig ni Rayver Cruz na hindi siya aalis ng ABS-CBN at lilipat ng GMA 7 tulad ng napapabalita.

“Hindi, hindi gumagawa ako ng Bagani (teleserye kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil), magkakampi kami ni Enrique roon at mahaba ang role ko tapos may ASAP pa ako, so malabong umalis ako ng ABS,” paglilinaw ng aktor.

Samantala, kasama si Rayver sa musical movie na Ang Larawan na pinalad na makapasok sa 2017 Metro Manila Film Festival kaya naman nagpapasalamat ang aktor dahil at least sa ibang genre naman siya mapapanood at hindi lang sa action at horror movies.

Hindi na bago kay Rayver na mapasama sa MMFF dahil madalas ay kasama siya sa Shake Rattle and Roll ng Regal Films at ngayon taon lang maiiba.

Sa ginanap na presscon ng Ang Larawan ay nabanggit ni Rayver na maski kakaunti ang mga linya niya ay nahirapan siya.

Kaunti lang ‘yung lines pero siyempre, medyo challenging din kasi hindi naman ito kagaya ng mga kantang alam ko and iba pa ‘yung panahon at iba rin ‘yung sayaw. Iba sa training ko sa ASAP.

Kaya kailangan kong magpa-guide sa legends natin sa (musical). Sobrang nakakakaba talaga kasi kapag nagkamali ako nakakatakot pero ang bait nilang lahat sa akin,” saad ng actor/dancer/singer sa presscon ng Ang Larawan.

Isang buong araw isinyut ni Rayver ang mga eksena niya, “kahit na buong araw kaming nagtatrabaho hindi ko namalayan kasi ang saya ng mga ginagawa nila, ang saya ng cast tapos musical pa. Ibang-iba sa mga nagawa ko na. Kaya sana marami talagang manood.”

Dagdag pa ni Rayver, “iba kasi ang atake ng musical na ito, kasi rati na siya kapag hindi mo na-execute ng mabuti, ako lang ‘yung pagtatawanan kasi sila alam na alam na nila.”

May nagpayo rin kay Rayver na kapag may nag-alok sa kanya na muling gumawa ng ganitong musical movie ay subukan niya.

READ MORE:  Allen, nagpasugat at nagpahiwa para maramdaman ang karakter sa Area

Isa sa cast nagsabi na bakit hindi ko subukan, sabi ko natatakot din ako baka hindi ko kayanin, ‘pag ready ako, ita-try ako. Roon nga lang sa ilan lang ang eksena ko, natakot na ako, ha, ha, ha lalo na all-star cast ‘yung eksena.  

“Grabe pinanood ko sila, sina ate Jo (Joanna Ampil), ate Rachel (Alejandro) habang nagte-take sila, parang wala lang sa kanila, ako na-a­maze talaga ako, ang lupet nila. Kahit kinakanta nila mismo habang nag­te-take, ga­no­ong-ga­no­on (pla­ka­do), sabi ko, ang gagaling ng mga ito, ‘pag mali ang pasok ko maski isa o dalawang linya, baka sabihin nila, ‘hm bakit ba nandito ‘to?’ Pero ang bait nila, igina-guide nila ako,” tumatawang kuwento ni Rayver.

BARKADAHAN
NILA NI MATTEO
MINUS SARAH

Natanong din ang aktor tungkol kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil magkaibigan pala sila ng una.

Oo, nag-uusap kami niyon, parati kaming magkasama sa ‘Bagani’,” medyo natatawang sagot ng aktor dahil alam na niya kung saan patungo ang mga itatanong sa kanya.

Sakto nga dahil inalam sa kanya kung nagba-bonding sila ni Matteo at kung nakakasama nila si Sarah na ex-girlfriend ng aktor.

Bakit kailangang isama?  Nakakatawa naman ‘yung questions,” tumawang sagot ng binata at biglang nag-seryoso. ”Pero hindi naman kasi kami nakalalabas ni Matteo na tulad ng iniisip n’yo na tulad ng hang-out namin ni ‘Ge (Gerald Anderson).

READ MORE:  Opening ng Fashion Princess Boutique, bongga!

Nagkikita kami ni Matteo sa trabaho (Bagani) or sa ASAP,” paliwanag pa ng aktor.

At kapag nagkukuwentuhan sila ng present boyfriend ngayon ni Sarah ay hindi napag-uusapan ang dalaga, “ano lang, puro sa work niya at kinukumusta ko ‘yung pagta-triathlete niya.”

Nagpapansinan ba sila ni Sarah kapag nagkikita? “Kapag nagkikita sa ‘ASAP’.  Ano ba, sobrang tagal na niyon (naging relasyon nila). May gatas pa yata ako sa labi,”natatawang sabi ni Rayver.

Diretsong tanong namin kung bagay sina Matteo at Sarah? “Oo, tingin ko bagay sila at ‘yun na ‘yun.”

Mas bagay sila kaysa Rayver at Sarah? “Oo naman kasi kung bagay kami (Sarah), eh, ‘di sana kami pa. Eh, hindi na, kasi silang (Matteo) dalawa na ngayon,” tumatawa uling sagot ng binata.

JANINE,
BABAENG
RAYVER

Anyway, ngayong Pasko ay gustong umalis ni Rayver kasama ang buong pamilya na nakagawian na nila. Paano si Janine Gutierrez na love of his life?

“Eh, kasama rin niya ang family niya, pero kung free siya, baka magkita kami before or after ng bakasyon nila,” kaswal na sagot ng binata.

Nabanggit pa na si Janine ang babaeng Rayver dahil tahimik, walang isyu sa lahat.

Si­guro kung anuman ‘yung mayroon kami ngayon ay happy lang na ganoon ang sitwasyon,” saad ng binata.

At dahil nasa ABS-CBN na ang ex-boyfriend ni Janine na si Elmo Magalona ay natanong din si Rayver kung kumusta sila at kung nagkikita sila?

READ MORE:  Marlo at Jerome, pressured sa Haunted Mansion

“Oo, lagi kaming nagkikita sa ‘ASAP’.  Walang ganoon (intriga), basta okay kami,” pakli ng binata.

Inamin na ni Rayver na dating sila ni Janine pero ayaw niyang sabihing exclusively dating pero sa pagkakaalam niya ay wala rin naman ibang kasama ang dalaga kapag lumalabas gayundin siya.

At inamin din ng binata na limang buwan na silang nagdi-date ni Janine.

Naniniwala ba siyang hindi magpapaligaw si Janine sa iba? “You know what, magpaligaw man siya o hindi, basta ako happy sa kanya and tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.”

For keeps na ito, tanong namin sa aktor, “tingnan natin, pero oo naman nasa kanya ang mga hinahanap ko.”

Pahabol namin kung marunong magluto si Janine dahil nga mahilig kumain ng masasarap na pagkain ang aktor, pero nakakaloka ang sagot sa amin, “thank you po.” Sabay alis na.

Hmm, so hindi marunong magluto ang aktres?

Mapapanood na Ang Larawan sa Disyembre 25 at makakasama ni Rayver sina Nonie Buencamino, Robert Arevalo, Menchu Lauchengco-Yulo, Aicelle Santos, Cris Villongco, Dulce, Nanette Inventor, Bernardo Bernardo, Sandino Martin, Jaime Fabregas, Noel Trinidad, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo, Leo Rialp, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Joanna Ampil, at Rachel Alejandro mula sa direksiyon ni Loy Arcenas produced ng Culturtain Musical Productions nina Rachel, Celeste Legaspi, at Girlie Rodis at Heaven’s Best Productions ng magkakapatid na Mayor Herbert, Harlene, at Hero Bautista.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved