Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kapag naglanggas ang mga supot
Kapag naglanggas ang mga supot

Kapag naglanggas ang mga supot

NAKALULUNGKOT na pinapupurol ng ilang tao ang kapangyarihan at layunin ng pagbubuo ng fact-finding o task force committee.

Ang tunay na esensiya ng pagbubuo ng ganitong mga ad hoc ay upang magkaroon ng alternatibo at malayang imbestiga­syon kapag nasasangkot ang mga opisyal ng isang organisasyon o opisyal ng gobyerno sa mga kontrobersiyal na isyu.

Ginagawa ito sa ngalan ng katotohanan at katarungan. Kaya ibig sabihin, hindi dapat ginagasgas o binabalasubas ang sistemang ito.

Pero paano kung ginagamit ang nasabing sistema para langgasin ang sugat ng mga tinuli pero supot?!

Ibig sabihin, ‘yung mga dapat imbestigahan, sila mismo ang nagbubuo ng fact-finding o task force committee para linisin ang kanilang mga pangalan.

Tsk tsk tsk

E ‘di lumalabas na mabantot pa sa ihi ng pusang gala ang ganyang sistema. Umaalingasaw sa panghi ang mga bulok na intensiyon.

Sabi nga sa lumang kasabihan, kung sino ang naglulusak sa burak, sila ang mas madalas na naghuhugas at nagpapabango. Kaya hindi nakapagtataka na ilang nanghihiram ng tapang at kapangyarihan ang madalas gumamit ng sistemang ito.

Kumbaga, nahihirati sila sa panloloko sa sarili nila at paulit-ulit nilang ‘ginagahasa’ ang sistemang inaakala nilang laging nagliligtas sa kanila para huwag sumingaw ang kanilang kabulukan. Pero bantad na bantad na sila sa kanilang estilo.

Boy, don’t ever forget, you can’t teach new tricks to an old dog.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved