Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yul at Direk Maryo, may kasunduan (sa pagpasok niya sa politika)
Yul at Direk Maryo, may kasunduan (sa pagpasok niya sa politika)

Yul at Direk Maryo, may kasunduan (sa pagpasok niya sa politika)

H UWAG ka nang   pumasok sa politika,  masisira ka lang. At para ano eh mas malaki ang kikitain mo sa showbusiness,”  ang naging payo ni direk Maryo delos Reyes kay Congressman Yul Servo noong nagsisimula pa lang siyang kumandidato bilang konsehal ng Maynila. “Masisira ka lang diyan,” warning pa ni direk.

Pero desidido si Congressman Yul, kaya hindi siya tumigil sa pagkumbinsi sa kanyang manager na payagan na siya, hanggang finally pumayag din iyon, sa isang kondisyon, “huwag kang mangungurakot ng pera ng bayan”. 

Iyon naman ang naging panuntunan ni Congressman Yul simula noon hanggang ngayon, “hindi po ako nangungurakot ng pera ng bayan kahit na singkong duling dahil iyon ang kasunduan namin ng manager ko at iyon din naman ang gusto kong patunayan sa mga tao, na may mga opisyal pa rin naman ang kanilang gobyerno na hindi nangungurakot ng pera nila,” sabi ni Yul.

Inamin ni Yul, kadalasan abono pa siya dahil sa rami ng humihingi sa kanya ng tulong, at hindi naman niya magawang matanggihan kung may lumalapit, “kaya nga po hanggang ngayon nag-aartista pa rin ako. Lumalabas pa rin ako sa pelikula at sa telebisyon, at iyon ay hindi lang para sa akin at sa pamilya ko. Ginagawa ko iyon para kahit na paano ay makapagpahatid ako ng tulong sa lahat ng lumalapit sa akin” sabi pa ni Yul.

Maraming nagsasabi na kaya lang siya ganyan ay dahil may balak na siyang tumakbo sa mas mataas pang posisyon pagkatapos ng kanyang term.

“Bago pa po ako naging congressman, may nag-aalok na sa akin ng mas mataas na posisyon. Pero gusto ko munang mapag-aralan ang lahat para naman maibigay ko ang isang mahusay na serbisyo sa bayan natin,” sabi pa ng congressman na tunay na actor din.

PAGBIBIDA SA PELIKULA,
PANGARAP DIN
NI HASHTAGS FRANCO

PAREHONG nagpahayag ng kalungkutan sina Jon Locas at Jameson Blake sa maagang pagyao ng kasamahan nila sa Hashtags na si Franco Hernandez. 

Sabay-sabay kaming nangangarap at malungkot din dahil hindi na niya inabot ang panahong ito na natupad din ang pangarap namin na maging bida kami sa isang magandang pelikula,” sabi ni Jon noong media launching ng pelikula nilang Haunted Forest.

Pero sinasabi ni Jameson na naniniwala siyang kung nasaan man ngayon si Franco ay siguradong natutuwa iyon sa nangyayari sa kanilang career. “Naniniwala kaming mapapanood din niya itong pelikulang ginawa namin,” ani Jameson.

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved