Thursday , September 27 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sue, happy na makatrabaho sina Vic at Dawn (kahit ‘di kalakihan ang papel)
Sue, happy na makatrabaho sina Vic at Dawn (kahit ‘di kalakihan ang papel)

Sue, happy na makatrabaho sina Vic at Dawn (kahit ‘di kalakihan ang papel)

ANG saya-saya ni Sue Ramirez dahil nakatrabaho niya ang Kapuso stars lalo na si Vic Sotto sa pelikulang Meant To Beh na entry sa 2017 Metro Manila Film Festivaldirected by Chris Martinez.

Hindi kalakihan ang papel ni Sue pero aniya, “malaking bagay po ito sa akin kasi nagkaroon ako ng chance na makatrabaho po sina bossing Vic, Ms Dawn Zulueta, ang cute na si Baste at nag-enjoy po ako ng sobra sa movie, nakatatawa talaga.”

Kung tama ang impormasyon namin ay nakatatlong shooting days si Sue sa Meant To Beh at maganda ito para sa portfolio niya.

Oo naman ang makasama ang isang Vic Sotto plus Dawn Zulueta sa project ay malaking bagay talaga sa tulad ni Sue na baguhan.

Hindi lang naman ang aktres ang taga-ABS-CBN ang kasama sa Meant To Beh dahil kasama rin sina Daniel Matsunaga at JC Santos na aminadong naaliw sila sa pelikula at masarap katrabaho ang mga taga GMA 7.

Ang Meant To Beh ay mula sa APT Entertainment, Octoarts Films, at M-Zet Productions na mapapanood na simula sa Disyembre 25.

ARJO, MAY GF NA
(pambubuking ni Sue)

USAPING Sue Ramirez pa rin,  namataan siyang kasama sina Arjo Atayde at Maris Racal na kumakain sa Jollibee Tomas Morato kamakailan at base sa nagkuwento ay ang saya ng tatlo at ang lalakas nilang kumain, ha, ha, ha. Marahil ay naka-break ang tatlo sa taping ng Hanggang Saan na kasalukuyang napapanood ngayon sa ABS-CBN.

Hindi naman ito itinanggi ng aktres, “opo, magkasama nga po kami, wala lang, kumain kami, na-miss namin ang Jollibee, ha, ha, ha.”

Base rin sa mga nakukuha naming kuwento ay sobrang swak  sina Sue at Arjo na walang ginawa kundi magkuwentuhan sa set ng Hanggang Saan at naalala tuloy namin ang sinabi ng aktres na, “si Arjo po talaga, sobrang daldal, mas madaldal pa sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking kayang tapatan ang daldal ko.” 

Sabi namin na maraming may gusto sa loveteam nilang PaNa (Paco at Anna), “oo nga po, grabe ang dami nga pong nagsasabi, ang daming nagti-tweet, bagay nga kami, nakatutuwa,” sabi ng dalaga.

READ MORE:  James, ‘di totoong gumamit ng stand in sa commercial shoot

Tinukso namin si Sue kay Arjo na ‘sila’ na lang, “ha, ha, ha, ha may girlfriend po si Arjo at sobrang mahal niya,” pambubuking ng aktres.

Kaya hirit namin ay kung gaano naman niya kamahal ang boyfriend niyang miyembro ng Boyband PH na si Joao Constancia.

Mahal is a strong word,” mabilis na sagot sa amin ni Sue.

‘Sige gustong gusto na lang?’ balik-tanong namin sa dalaga.

Gusto lang,” sambit ni Sue.

At tumatawa ang mga nakaririnig sa kulitan namin ni Sue at nakiki-agree rin sila na tuksuhin pa namin ang dalaga kay Arjo.

Pero aminado ang dalaga na sobrang bilib siya kay Arjo, “sobrang gentleman, sobrang focus sa work, sobrang bait, sobrang maalaga, sobrang thoughtful, sobrang generous.  Ang ganda ng pagpapalaki ni tita Sylvia (Sanchez) sa mga anak niya,” papuri ng aktres sa aktor.

In fairness, saktong-sakto ang ugali nina Arjo at Sue dahil pareho silang walang ere sa katawan, hindi naninimbang ng mga taong makakahalubilo.

Sabi sa amin ng taong boto rin sa tambalang PaNa, ”Si Arjo kasi seryosong tao, hindi siya sumasakay lang sa popularity para sa loveteam. Tingin namin kay Arjo hiwalay ang work sa personal life. Kaya bilib kami hindi katulad niyong iba na sumasakay sa love team at liligawan kunwari ang leading lady. Kaya mukhang malabo niyang ligawan si Sue, pero sana magka-developan,” kuwento sa amin.

Hmm, hayaan natin ang panahon ang magsabi kung posibleng magkagustuhan sina Sue at Arjo dahil matagal pa ang itatakbo ng kuwento ng Hanggang Saan lalo na kapag nabuking nila kung sino ang pumatay sa tatay ng dalaga na si Eric Quizon.

Ano kaya ang magiging desisyon ni Paco (Arjo) bilang abogado na ng pamilya nina Anna (Sue) laban sa taong pumatay sa tatay nito?  Kaya abangan ang Hanggang Saansa ABS-CBN pagkatapos ng Pusong Ligaw.

RURU,
NAPASAHAN
NG PROYEKTO
NI ALDEN

KASAMA pala sa Production 56 Artists na mina-manage ni Direk Maryo J. de los Reyes si Ruru Madrid, ang nanalong Best Actor sa nakaraang 31st PMPC Star Awards for TV para sa programang Encantadia.

Isa kasi ang aktor sa binanggit ni direk Marjo sa nakaraang Thanksgiving party ni Congressman Yul Servo Nieto noong Martes ng gabi sa Annabel’s Restaurant.

READ MORE:  IdeaFirst nina Robles at Lana, pinasok na ang pag-aalaga ng mga direktor

Mukhang mabait ang aktor base sa pananalita at kilos nito na napansin namin habang nagpapasalamat siya sa harap ng entertainment press dahil sa lahat  ng tinatamasa niya ngayon ay malaking tulong ang press at ang supporters niya at siyempre sa guidance na rin ng manager nilang si Direk Maryo J.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Ruru si Congressman Yul ng 3rd District of Manila dahil kasama siya sa party at idol nga niya ang panganay na talent ng Production 56 ni direk Maryo J.

Anyway, kompletos recados si Ruru bilang aktor dahil bukod sa magaling umarte ay maganda pa ang boses base sa ipinarinig niyang aiwitin at kapansin-pansin din ang maganda nitong pangangatawan na talagang pinaghandaan niya para sa ginanap na Bench Under the Stars Fashion Show.

Kuwento ni Ruru, “honestly po, bago mag-start ang ‘Encantadia’ sinabi po na kailangan kong magpalaki ng katawan kasi ako ang gaganap na Ybarro, kasi nga sobrang payat ko sa height ko na 5’10.  Ang weight ko lang ay 130 (lbs) plus, underweight po talaga, so roon ako nagpursige na magpalaki ng katawan.

Tapos iyon pong Bench talagang ibinigay ko ‘yung dugo’t pawis ko sa paggi-gym.  Galing ako sa malaki (noon as Ybarro) umabot sa 180 lbs, napag-aralan ko ‘yung Ketogenic diet so in one week, 14 lbs po ang nawala, at tuloy-tuloy na kaya ngayon mine-maintain ko ang 155 lbs,” paliwanag ng aktor.

May bagong TV project si Ruru na dapat sana ay kay Alden Richards ito kaya tinanong siya kung anong masasabi niya?

READ MORE:  Bagong Wansapanataym Special, tinutukan!

Siyempre po nagpapasalamat ako na sa akin naibigay itong proyektong ito dahil ibinigay ito kay Alden at sa akin na ngayon, eh, malamang na malaking proyekto po ito.

Kailangan ko pong pagbutihan at kailangan kong i-prove sa lahat na deserve ko po ‘yung role na ‘yun,” saad ng aktor.

Hindi naman nakatikim ng bash si Ruru mula sa AlDub fans, “opo at sa katunayan lahat ng nagti-tweets ay puro AlDub at si Alden din po. Kami ni Alden parang mag-kuya na po kami talaga. Sobrang natutuwa rin siya (Alden) sa akin na ako ‘yung napili po.”

Natanong din ang aktor kung ano ang real score nila ni Gabbi Garcia na kasama rin niya sa pelikulang Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival mula sa APT Entertainment, OctoArts Films, at M-Zet Productions.

Paliwanag ni Ruru tungkol sa kanila ni Gabbi, “we’re just close friends po, siguro hindi pa ito ‘yung tamang panahon and kami ay naniniwala naman sa destiny na kung kami talaga. As of now ay marami pa kaming priorities sa buhay na dapat unahin like for example, family namin, gusto ko ma-settle muna, ibibigay ko kung ano ‘yung mga pangarap nila sa buhay and of course itong soap na ibibigay sa akin, kailangan kong paghandaan talaga, at saka na po ‘yun (lovelife), darating din ‘yung tamang panahon.

Kung may ibang manligaw, wala po akong magagawa. At naniniwala rin naman ako kay Gabbi na siya rin ay may ibang priorities din sa buhay.”

Ang bagong project ni Ruru ay ang seryeng Sherlock na isang legal drama na mapapanood sa 2018 at kasama niya sina Gabbi, Ai Ai de las Alas, Andre Paras, Janine Gutierrez, Kate Valdez, Alyanna Asistio, Sharmaine Arnaiz, Roi Vinzon, Matt Evans at iba pa mula sa GMA 7.

TABLOG
ni Roldan Castro

 

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved