Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ruru, napasahan ng proyekto ni Alden
Ruru,  napasahan  ng proyekto  ni Alden

Ruru, napasahan ng proyekto ni Alden

KASAMA pala sa Production 56 Artists na mina-manage ni Direk Maryo J. de los Reyes si Ruru Madrid, ang nanalong Best Actor sa nakaraang 31st PMPC Star Awards for TV para sa programang Encantadia.

Isa kasi ang aktor sa binanggit ni direk Marjo sa nakaraang Thanksgiving party ni Congressman Yul Servo Nieto noong Martes ng gabi sa Annabel’s Restaurant.

Mukhang mabait ang aktor base sa pananalita at kilos nito na napansin namin habang nagpapasalamat siya sa harap ng entertainment press dahil sa lahat  ng tinatamasa niya ngayon ay malaking tulong ang press at ang supporters niya at siyempre sa guidance na rin ng manager nilang si Direk Maryo J.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Ruru si Congressman Yul ng 3rd District of Manila dahil kasama siya sa party at idol nga niya ang panganay na talent ng Production 56 ni direk Maryo J.

Anyway, kompletos recados si Ruru bilang aktor dahil bukod sa magaling umarte ay maganda pa ang boses base sa ipinarinig niyang aiwitin at kapansin-pansin din ang maganda nitong pangangatawan na talagang pinaghandaan niya para sa ginanap na Bench Under the Stars Fashion Show.

Kuwento ni Ruru, “honestly po, bago mag-start ang ‘Encantadia’ sinabi po na kailangan kong magpalaki ng katawan kasi ako ang gaganap na Ybarro, kasi nga sobrang payat ko sa height ko na 5’10.  Ang weight ko lang ay 130 (lbs) plus, underweight po talaga, so roon ako nagpursige na magpalaki ng katawan.

READ MORE:  Buboy, okey daw ang relasyon kay Diego; 3 anak kay Sunshine, sobrang nami-miss na

Tapos iyon pong Bench talagang ibinigay ko ‘yung dugo’t pawis ko sa paggi-gym.  Galing ako sa malaki (noon as Ybarro) umabot sa 180 lbs, napag-aralan ko ‘yung Ketogenic diet so in one week, 14 lbs po ang nawala, at tuloy-tuloy na kaya ngayon mine-maintain ko ang 155 lbs,” paliwanag ng aktor.

May bagong TV project si Ruru na dapat sana ay kay Alden Richards ito kaya tinanong siya kung anong masasabi niya?

Siyempre po nagpapasalamat ako na sa akin naibigay itong proyektong ito dahil ibinigay ito kay Alden at sa akin na ngayon, eh, malamang na malaking proyekto po ito.

Kailangan ko pong pagbutihan at kailangan kong i-prove sa lahat na deserve ko po ‘yung role na ‘yun,” saad ng aktor.

READ MORE:  Tristan, napipisil bilang Ding sa Darna

Hindi naman nakatikim ng bash si Ruru mula sa AlDub fans, “opo at sa katunayan lahat ng nagti-tweets ay puro AlDub at si Alden din po. Kami ni Alden parang mag-kuya na po kami talaga. Sobrang natutuwa rin siya (Alden) sa akin na ako ‘yung napili po.”

Natanong din ang aktor kung ano ang real score nila ni Gabbi Garcia na kasama rin niya sa pelikulang Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival mula sa APT Entertainment, OctoArts Films, at M-Zet Productions.

Paliwanag ni Ruru tungkol sa kanila ni Gabbi, “we’re just close friends po, siguro hindi pa ito ‘yung tamang panahon and kami ay naniniwala naman sa destiny na kung kami talaga. As of now ay marami pa kaming priorities sa buhay na dapat unahin like for example, family namin, gusto ko ma-settle muna, ibibigay ko kung ano ‘yung mga pangarap nila sa buhay and of course itong soap na ibibigay sa akin, kailangan kong paghandaan talaga, at saka na po ‘yun (lovelife), darating din ‘yung tamang panahon.

Kung may ibang manligaw, wala po akong magagawa. At naniniwala rin naman ako kay Gabbi na siya rin ay may ibang priorities din sa buhay.”

Ang bagong project ni Ruru ay ang seryeng Sherlock na isang legal drama na mapapanood sa 2018 at kasama niya sina Gabbi, Ai Ai de las Alas, Andre Paras, Janine Gutierrez, Kate Valdez, Alyanna Asistio, Sharmaine Arnaiz, Roi Vinzon, Matt Evans at iba pa mula sa GMA 7.

READ MORE:  Richard, magustuhan pa kaya ng fans sa gusgusin at pawising hitsura?

TABLOG
ni Roldan Castro

 

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved