Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female personality, hungkag pa rin ang taste kahit super yaman na
Female personality, hungkag pa rin ang taste kahit super yaman na

Female personality, hungkag pa rin ang taste kahit super yaman na

TOTOONG hindi nabibili ang taste. Ito ang makatotohanang sambit ng isang taga-showbiz patungkol sa isang mayaman ngang female personality, pero hungkag naman pagdating sa taste.

“’Di ba, nag-uumapaw ang salapi nilang mag-asawa? Siya nga, branded kung branded ang mga mamahalin niyang gamit, pero ‘Day, pagdating sa taste sa magagandang bagay, eh, waley siya! Gusto mo ng pruweba?” 

Bumuntong-hininga muna ang aming source, at saka nakapamewang na ipinagpatuloy ang kanyang kuwento, ”’Di ba, naturingan pa mandin siyang richie-richie pero hindi fresh flowers ang nakalagay sa vase ng kanilang pagkalaki-laking baler, alam mo ba kung anik? Plastic flowers as in! Maano ba namang utusan niya ang mga maid of cotton niya na bumili ng mga sariwang bulaklak sa Dangwa, ‘di ba? Pero gaya nga ng tsikabels ko sa ‘yo, wa nga taste ang hitad na celebrity na ‘yon!”

Da who ang yayamaning female personality na bida sa kuwentong ito na waley ka-taste-taste kahit sobra-sobra na ang yaman?

READ MORE:  Mo, walang isang salita — Baron
READ MORE:  Sylvia at Ria, proud sa Teleserye Best Supporting Actor award ni Arjo Atayde

Itago na lang natin siya sa alyas na Tararadying Pak-boom!

READ MORE:  Bakit nga ba hindi binalikan ni Carlo si Angelica?

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved