Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Baby Go, sa Italy ang shoot ng mainstream movie na Almost A Love Story
Baby Go, sa Italy ang shoot ng mainstream movie na Almost A Love Story

Baby Go, sa Italy ang shoot ng mainstream movie na Almost A Love Story

HINDI na talaga paaawat ang masipag na businesswoman na si Ms. Baby Go sa pagsabak sa mainstream movie. Recently kasi ay inianunsiyo na ng lady boss ng BG Productions ang dalawang bagong pelikula na gagawin ng kanyang film outfit.

Bukod sa nabanggit ko sa unang item na Latay, ang isa pang gagawin niyang pelikula ay pinamagatang Almost A Love Story. Ito’y pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Lotlot de Leon at Ana Capri, mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio. Ang shooting nito ay sa Italy at nakatakda silang umalis this week.

Ang naturang pelikula ay reunion movie rin nina Barbie, Ana at Direk Louie na nagkasama-sama sa Laut. Dito rin nanalo ng awards sina Barbie at Ana.

Higit sa lahat, ang Almost A Love Story ay hudyat din ng pagpasok ng BG Productions sa mainstream movie. Ang movie company ni Ms. Baby ay nakilala sa mga de-kalibre at award-winning films tulad ng Lauriana, LihisChild HausLautIadya Mo KamiArea, at iba pa.

READ MORE:  Marlo Mortel, patuloy sa paghataw ang showbiz career!

Ayon kay Ms. Baby, “Eto na ‘yung nasabi ko rati na papasok na rin sa mainstream ang BG Productions. Kasi nandito na tayo e, kumbaga, wala nang rason para hindi natin kunin ang opportunity na ito at ang project na ito.

“Happy ako sa project na ito, nang nagpunta kasi kami sa Italy napagplanohan namin talaga ito, na gumawa ng project sa Italy. At saka bagay na bagay iyong ganda ng lugar sa isang kakaibang love story. Kaya sure ako na maganda ito at pagagandahin talaga ni Direk Louie.

“Plus iyong Latay din ni Allen, naiibang project ito. Siyempre kapag Allen Dizon, magaling iyan at pang-award. Tapos nandiyan pa si Direk Ralston, kaya isa pang kaabang-abang na pelikula itong Latay.”

ALLEN DIZON, SUNOD-SUNOD
ANG MGA BIGATIN
AT DEKALIDAD NA PELIKULA!

IPINAHAYAG ng award-winning actor na si Allen Dizon ang labis niyang pasasalamat sa patuloy na pagdating ng magagandang project sa kanya. Sa launching ng bago niyang movie titled Latay para sa BG Productions International, sinabi ni Allen na hindi niya maipaliwanag ang nadarama sa magagandang pelikulang ginagawa niya ngayon.

READ MORE:  Jessy, nakipagsagutan sa mga basher

Panimula ni Allen, “Siyempre unang-una nagpapasalamat ako sa Diyos, binigyan ako ng magandang projects, magandang mga role, magandang mga pelikula… Ang sarap ng pakiramdam e, ‘di ba?

“Iba’t ibang karakter ang ginagampanan ko, tapos ibang level na ‘yung mga nakaka-partner ko rin, saka alam kong lahat sila ay magagaling. Kaya siyempre nakakatuwa, after ng mga nagawa ko rati na okay na pelikula, okay na mga role, mas humihirap. Pero para sa akin, nagagawa ko naman nang tama.”

Ang Latay na tatampukan ng award winning actor na si Allen, ay tatalakay sa istorya ng isang battered husband na promdi. Ito ay sa direksiyon ng internationally acclaimed filmmaker na si direk Ralston Jover.

Ito bale ang ikatlong proyekto nina Allen at Direk Ralston. Una ay sa Bomba na nanalo si Allen at Angellie Nicholle Sanoy ng Special Jury award sa A-list filmfest na 33rd Warsaw International Film Festival. Ang isa pang pelikula ni Allen and Direk Ralston ay sa Persons of Interest with Liza Lorena, Dimples Romana, Nella Marie Dizon, Yñigo Delen, at iba pa.

READ MORE:  Paul Sy, balik-pelikula via ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa

Ano’ng klaseng fulfillment ang nafi-feel mo sa projects na natotoka sa iyo ngayon?

“Nakaka-overwhelm ‘yung pakiramdam, nang unang-una ko ngang nalaman ‘yung offers, tapos ako na nga ‘yung gaganap sa mga, like etong ginagawa ko ngayon, etong Bayang Magiliw with Judy Ann Santos… So, parang nakakaano rin e, minsan parang naiisip ko na, ‘Bagay ba sa akin iyon, kaya ko ba ‘to?’

“Siyempre ‘di ba, parang ano e… kasi parang ‘di ako makapaniwala. Parang, ‘di ko ma-explain e. Basta, ibang klase talaga ‘yung feeling.”

Bukod sa Bayang Magiliw na isang sundalong Muslim ang papel ni Allen, natapos na rin niya ang pelikulang The Right To Kill ukol sa extrajudicial killings na gumaganap naman siya bilang tirador na pulis. Ang dalawang pelikula ay kapwa mula sa pamamahala ng premyadong director na si Direk Brillante Mendoza.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved