Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Aresto sa mag-asawang Tiamzons at kay Silva tinatrabaho ng DOJ
Aresto sa mag-asawang Tiamzons at kay Silva tinatrabaho ng  DOJ

Aresto sa mag-asawang Tiamzons at kay Silva tinatrabaho ng DOJ

TINATRABAHO na ng Department of Justice ang muling pag-aresto at kanselasyon sa piyansa ng mga lider komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon, at Adelberto Silva kasunod ng pagtigil sa usapang pangkayapaan ng mga rebelde at gobyerno.

Magugunitang pinalaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebel leaders na sina Tiamzons nitong nakaraang taon at muling sinimulan ang usapang pangkapayapaan.

Gayonman, bunsod ng mga serye ng pag-atake ng rebeldeng komunista laban sa mga sundalo at pulis, ipinatigil ng punong ehekutibo ang negosasyon.

READ MORE:  4 Chinese nat’l, 4 Pinoy tiklo sa shabu lab

Nitong Martes, idineklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang terrorist organisations bunsod ng umano’y continued violent acts.

Dahil dito, “there is no more legal ground for the continuous provisional liberty” ng mga Tiamzon at ni Silva, pahayag ng DoJ sa motion for re-commitment and cancellation of bail na inihain sa Manila Court, na naunang nagpahintulot na makapaghain ng piyansa ang rebel leaders.

READ MORE:  Gapos gang leader arestado

Ang mga Tiamzon, si Satur Ocampo, at iba pang mga akusado ay nahaharap sa multiple murder charges bunsod ng umano’y brutal na pagpatay sa 15 sibilyan, na nadiskobre sa mass grave noong 2006 sa Inopacan, Leyte.

READ MORE:  P1.8-M shabu kompiskado sa CDO

Inaresto ng mga sundalo ang mga Tiamzon at limang iba pa noong 2014.

Si Benito Tiamzon, tinukoy bilang chairman ng CPP-NPA habang ang kanyang misis ay secretary-general ng grupo.

Si Silva, inaresto sa kanyang bahay sa Bacoor City noong 2015,  ay kinilala bilang CPP secretary general at concurrent chief ng National Organization Department.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved