Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yassi Pressman, wagi sa 30th  Awit Awards
Yassi Pressman,  wagi sa 30th  Awit Awards

Yassi Pressman, wagi sa 30th  Awit Awards

WINNER at naiuwi ng FPJ’s Ang Probinsyano leading lady, Yassi Pressman ang 30th Awit Awards  Best Dance Recording  para sa kanyang album na Dumadagundong.

Hindi lang big winner ang kanyang acting career dahil maging ang  recording ay umaalagwa rin bukod pa ang sandamakmak na commercial at endorsements.

Present si Yassi sa 30th Awith Awards para siya mismo ang tumanggap  habang personal ding tinanggap ng singer-actress na si Vina Morales ang kanyang Best Favorite Female Artist award.

Pinarangalan naman ang VST & Company bilang Dangal ng Musikang Pilipino Awardee. Ilan pa sa mga nagwagi ay ang sumusunod: Best Christmas Recording, Ngayong  Pasko (Jireh Lim); Best Performance by a Child, This Little Child (Krystal Brimmer); Music Video of the Year,  Hagdan (Jennylyn Mercado); Best New Female Artist, Alexa Ilacad; Best Novelty Recording, Taxi Driver (Basilyo); Best Pop Recording, O Pag-ibig (Ylona Garcia at Bailey May); at Best R&B Recording,Really Over You (Zion Aquino).

READ MORE:  Barbie, gaganap na anak ni Kris

Big winner naman si Darren Espanto na anim ang  tropeong naiuwi—Best New Male Artist, Favorite Song, Favorite Album, Favorite Record, Favorite Male Artist, at Best Selling Album.

Win din ng major award si Inigo Pascual ng Song of the Year sa kanyang hit song na Dahil Sa ‘Yona halos oras-oras napakikinggan sa mga FM music station. Nag-uwi rin ng tropeo si Kyla para sa awiting Monumento, na siya namang naging Best Performance by Collaboration, na nakasama niya siKris Lawrence.

READ MORE:  Runner-up ng Miss Universe 2013 na si Ariella Arida bagong babae ni Willie Revillame?

Nag-uwi naman ang Itchyworms ng Best Performance by a Group at Record of the Year trophies para sa kantang Dalawang Letra. Best Male and Female Recording Artist naman sina Gabby Alipe(Visions) at Kim Molina (Naluluha Ako). Nakuha naman ni Quest ang Album of the Year at Best Inspirational Recording.

ROCCO,
HINAHAMONG
MAGPA-SEXY

NAG-REQUEST ang mga beking tagahanga ni Rocco Nacino na magkaroon din ito ng eksena sa afternoon series nila ni Sanya Lopez na naka-underwear tulad ng ginawa niya sa isang fashion kamakailan.

READ MORE:  68 artists ng Cornerstone, winner sa mga proyekto

Mukhang nabitin pa ang mga gay fan ni Rocco sa ipinakita niya kaya nakikiusap ngayon ang mga ito na kung puwede ay rumampa rin siya sa Haplos ng hubo’t hubad na.

Feeling namin, kering-kering gawin ‘yon ni Rocco lalo na’t nagpaka- daring na sa pagrampa na talaga namang marami ang nagulat at napa- wow.

Kaya wait na lang natin baka kasi sa Haplos ay biglang magpakita ulit ng pagiging daring si Rocco.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved