Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lalaking naglaro ng ari tiklo sa lady cop (May tulo o buni?)
Lalaking naglaro  ng ari tiklo sa lady cop (May tulo o buni?)

Lalaking naglaro ng ari tiklo sa lady cop (May tulo o buni?)

INARESTO ang isang lalaki na sinabing naglaro ng kanyang ari sa harap ng isang babaeng pulis habang lulan ng isang pampasaherong bus sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Nabatid sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Ching Carreon, 34, empleyado ng Maynilad.

Sakay si Carreon ng isang pampasaherong bus, mula Bocaue, Bulacan patungong Maynila, ngunit habang nasa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Brgy. Ba-lingasa, sinabing inilabas at pinaglaruan ang kanyang ari sa harap ng isang babae at dalawa niyang babaeng anak.

READ MORE:  Korupsiyon iso-SONA ni Digong

Nagkataong ang naturang babae ay si PO2 Marites Ramos ng Women and Children’s Protection Desk ng Manila Police District Station 10.

READ MORE:  Retiradong Manila cop iimbestigahan sa Balcoba Slay

Ayon kay Ramos, napansin nila si Carreon na panay ang kalikot sa kanyang shorts sa mismong tapat ng kanyang ari. Nagulat na lamang sila nang umano’y ilabas ni Carreon ang kanyang ari.

Agad kinompronta ni Ramos ang suspek. Nagkataon may nagpapatrolyang mga tauhan ng Quezon City Police District Station 1 kaya agad niyang ipinaaresto ang suspek.

READ MORE:  Duterte handa sa Writ of Habeas Corpus

Sa presinto, itinanggi ni Carreon na tangka niyang bastusin ang babaeng pulis at ang mga anak ni Ramos.

Giit niya, nagkakamot lamang siya dahil may buni umano ang kanyang ari.

Kakasuhan ang suspek ng unjust vexation.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved