Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robin, natutulala pa rin kay Sharon
Robin, natutulala pa rin kay Sharon

Robin, natutulala pa rin kay Sharon

KAHIT ngarag at halos walang tulog sina Sharon  Cuneta at Robin Padilla masaya silang humarap sa media sa presscon noon ng Unexpectedly Yours same with  Julia Barretto and Joshua Garcia. Ito’y sa direksiyon ng blockbuster director Cathy Garcia Molina under Star Cinema.

Nang ma­kaupo na ang main cast, aliw ang Megastar na pinagmamasdan sina Julia at Joshua na nagbubulungan. Nagbalik sa kanyang alaala noong time na ma-in love siya at an early age withGabby Concepcion.

“Ang cute nila, nakatutuwa silang  pagmasdan,” say ni Shawie.

Ayon kay Robin, hanggang ngayon nai in-love pa rin siya. Sa mga bagets (Julia at Johsua) siya kumukuha ng energy kahit lolo na.

“Ang sarap nilang panoorin, maraming alaala ang nagbabalik,” dugtong naman ni Binoe.

Unexpectedly Yours ang  pangatlong pelikula nina Sharon at Robin. Super blockbuster ang first movie nila together, ang Maging Sino Ka Man na idinirehe ni Eddie Rodriguez at ang pangalawa ay ang Pagdating Ng Panahon ni direk Joyce Bernal na kumite rin sa takilya.

Ang pagkakaalam ni Robin, itong Unexpectedly Yours ay ang project na Sharon-Gabby.

Paglilinaw ni Sharon, ”I bang project ito, hindi ito ‘yung kay Gabby.” 

Sumagot naman si Robin ng, ”’Yun ang nakarating sa akin. Kailangan mo ako. Dalawang pelikula ang ginagawa ko sa sarili kong production. Tinawagan ako ni Malou  Santos, sabi niya, ‘kailangan ka ni Sharon.’ Hindi ko pelikula ito kay Sharon. Ako lang ang makagagawa nito kaya sumagot ako. Kailangan ako ni Ma’am.”

Inamin ni Mega na paborito niyang leading man si Binoe. ”It’s always my pleasure to work with Robin. Sa lahat ng nakasama ko sa pelikula parang we are the other gender’s version of each other. Ganoon kami, parehong-pareho kami. Siyempre, may major differences pero we’re alike.

“At saka, masaya  kami pareho kaming tawa lang ng tawa, nagpapatawa, tumatawa. ‘Yung masaya sa set.”

Walang nabago sa pagtingin ni Robin kay Sharon. Hanggang ngayon idol pa rin niya ang Megastar.

“Lagi akong natutulala, hindi ako nakaalis doon sa fan mentality.”

SHARON, HILIG 
KAGAT-KAGATIN
SI JOSHUA

Thankful si Mega at nakasama nila sa pelikula sina Julia at Joshua. Parang anak-anakan na niya ang dalawang bagets.

“These two, God knows I really fell in love with because napakabait na anak. She’s so over her mom and Joshua such a…kinakagat ko ‘yan,” pahayag ni Sharon.

Ibinuking ng Megastar na magdyowa na sina Julia at Joshua. Hindi nakaimik ang dalawa nang  sabihin ito ni Shawie sa media. Kakaiba ang body movement nila pati ang tingin nila sa isa’t isa. Hindi maipagkakaila na may understanding na nga sila.

MENOPAUSAL
STAGE

Naging sentro rin ng usapan ang pagiging menopause ng isang babae. Isang 50 years old na malapit ng mag-menopause ang role na ginagampanan ni Sharon. Ngayon palang ay pinaghahandaan na niya ito.

“I’m preparing myself for it. Actually, matagal ko ng hinihintay  coz my best friend, dalawa na ‘yung menopause. Parang lagi kong tinatanong…I have real problem with heat. Sabi ko, Lord, pagtrabahuhin N’yo muna ako bago  N’yo ako bigyan ng menopause. Pagdating ng menopause, puwede bang mag-winter muna sa ibang lugar,” casual na sambit ng Megastar.

Sa movie,  palaging may  hawak na portable fan si Sharon kasi nga nagme-menopause na siya.

“But you know, it’s funny, it’s a reality na I have to face, ang ageing is a process we will all have to go through. I’d rather be ageing gracefully and looking younger than my actual age than the alternative which is dying. I live a very happy simply life, and I’m very happy doing what I do. I can’t imagine holding another job, another thing in my life,” natatawang sabi ng award-winning actress.

DIREK CATHY,
MABUSISING
DIREKTOR

Kahit wala si Direk Cathy sa  presscon ng Unexpectedly Yours” pawang papuri na man ang ibinabato ng dalawa niyang lead stars.

“Masarap katrabaho si Direk Cathy, ultimo maliliit na detalye sa eksena nakikita niya, bilib ako sa kanya as a director. Mabusisi para sa ikagaganda ng pelikula. Grabe ang energy ni Direk Cathy at ng buong production staff,”  pagmamalaking turan ni Robin.

Maging si Sharon ay super na nag-enjoy katrabaho ang blockbuster director. ”Nasa top 5 na favorite director ko si Direk Cathy. Kahit almost everyday ang shooting  namin dahil nga may playdate na. Hindi mo mararamdaman ang  pagod dahil nag-i-enjoy ako katrabaho  sila. I love her so much, ganoon ko siya kamahal,”  pagmamalaking bida pa ni Shawie.

ANIK-ANIK
ni Eddie Littlefield

COMMENTS

About Eddie Littlefield

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved