Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, bakit nga ba hindi niligawan ni Alden?
Maine, bakit nga ba hindi niligawan ni Alden?

Maine, bakit nga ba hindi niligawan ni Alden?

WALANG duda, na dahil nagpa-panic na rin ang ilang mga taong may naapektuhang “interest” sa ipinalabas na letter ni Maine Mendoza, na nagsabing sawang-sawa na siya sa pakikialam sa kanyang personal na buhay at pagpupumilit ng iba kung ano ang dapat niyang gawin, nagsimula na silang gumawa ng damage control. Pero ang damage control eh hindi puwedeng si Maine ang sisihin sa nangyari.

Si Maine, napilitan lamang nang magsalita ng ganoon nang mapuno na sa mga nakikialam sa kanyang buhay. Inamin lang din naman ni Maine ang totoo na hindi naman niya talaga syota si Alden dahil hindi naman iyon nanligaw sa kanya. Kalokohan iyong sasabihing dapat makonsensiya si Maine dahil may fans na gusto nang mag-suicide dahil sa ginawa niya. Ano naman ang akala nila sa fans, mga walang utak na magpapakamatay dahil lamang sa ganoon?

Nakatatawang isipin, hindi rin naman nagawang ipagtanggol ni Alden si Maine, dahil noong dumating ang bagay na iyan, bigla rin siyang isinugod sa ospital dahil daw sa “food poisoning”, baka na-stress din dahil tiyak na sira na ang love team na nagpasikat sa kanya nang husto. Aminin natin na bago nagkaroon ng AlDub, hindi naman ganyan kasikat si Alden.

At saka iyong issue, hindi dapat dikdikin doon sa nakipag-date si Maine kay Jake Ejercito. Lumabas sila pero date ba iyon? Wala ba silang ibang kasama bukod sa kanilang dalawa?

Hindi lang naman ngayon iyan kaya siguro nabuwisit na rin si Maine. Hindi ba tinalakan din nila si Sef Cadayona nang minsang makasama ni Maine na mag-sing along?

Bakit iyong mga nagiging kaibigan ni Maine ang kanilang tinatalakan. Hindi ba ang mas dapat nilang talakan ay si Alden at tanungin nila kung bakit nga ba hindi niya niligawan si Maine. Ano ba ang hinihintay ninyo, si Maine pa ang manligaw kay Alden?

Tama lang naman si Maine eh, ginagawa niya nang mahusay ang kanyang role bilang isang aktres at TV host. Ginagawa naman niya ang tungkulin niya sa kanilang love team. Pero walang may karapatan na pakialaman pati ang kanyang personal na buhay. Kahit na sinusuportahan pa ninyo ang kanyang career, hindi ninyo masasabing kayo ang nagpapalamon sa kanya. At lalong walang karapatan iyong may ibang “business interests” na sisihin si Maine sa pangyayaring iyan.

Kung wala mang nangyari sa AlDub, hindi si Maine ang may kasalanan. Tanungin ninyo kung bakit hindi siya niligawan ni Alden, iyon ang tunay na issue na dapat ninyong sagutin.

MALIK CORONEL,
HINDI NAMIN KILALA

PALAGAY namin, unfair para sa mga artista, lalo na iyong disente ang pamumuhay iyong sinasabing isang actor, isang artista, ang nahuling nakikipag-orgy sa mga bakla, at nagtutulak pa ng droga sa isang hotel sa BGC. Kinilala nila ang sinasabing actor daw na si Malik Coronel, na artista raw ng ABS-CBN at napanood sa TV remake ng Sana’y Wala Ng Wakas.

Wala sa aming nakakilala sa kanya eh, kahit na noong makita namin ang picture. Nandoon kami noong launching niyang seryeng iyan pero hindi namin natatandaang nakita namin doon iyong Malik Coronel. Baka naman bit player lang iyan. Pero noong mahuli sila sa isang hotel room na puro mga naka-brief lang, kasama ang sampung iba pang lalaki na sinasabing mga bakla at umano ay nag-o-orgy, at nahulihan pa ng shabu at liquid ecstasy, sinasabi nang isang actor ang nahuli. Unfair iyon sa ibang mga artista na matino ang pamumuhay. Kasi ang nasisira dahil sa kalokohan ng iba ay ang buong propesyon ng mga artista.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved