Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pamaskong Chanel bag ni Kris, may nanalo na
Pamaskong Chanel bag ni Kris, may nanalo na

Pamaskong Chanel bag ni Kris, may nanalo na

MARAMI ang nainggit at natuwa sa nagwagi ng Chanel bag bilang bahagi ng#Christmaslovelovelove ni Kris Aquino.

Mahigit isang linggo na ang nakararaan nang ipinost ni Kris sa kanyang social media accounts ang ukol sa #Christmaslovelovelove na namimigay ang TV host/aktres ng ilang kagamitan, tulad ng bags, bilang Christmas gifts o pasasalamat o ‘yung tinawag niyang 12 Days of Christmas Gifts.

Madali lang naman ang kahilingan ng Queen of All Media para mapasakanya ang regalo. ”All I ask is that you please like this post, like it on FB, and follow me here on IG & on FB if you aren’t already…And my KCAP team will be monitong & when we reach 1 million-a follower will receive this as a symbol of my gratitude.

“Please do tag me w/ #RealKrisAquino.”

Marami ang tumugon dito. Katunayan sa Chanel bag post niya sa IG , may 103,266 ang nag-like niyon at may 35,343 comments naman. Sa FB account naman niya, mayroong 87.4K likes, 37K comments, at 2.5K shares.

At noong Miyerkoles ng gabi, nakapili na ang grupo ni Kris. At ang masuwerteng nagwagi ay si June Jane Gentiles Chua.

Sa post ni Kris, sinabi niyang mula sa napakaraming tumugon, pumili sila ng top 4, at ang sinuwerte ay si June Jane. Napili niya si June Jane dahil sa pagiging madasalin at pagpapahalaga nito sa pamilya na siya ring qualities na nakaka-identify si Kris.

READ MORE:  Miguel Antonio, puwedeng mabigyan ng break

Ani Kris sa kanyang post kung bakit niya napili si June Jane,

“Dear June Jane,

They narrowed it down to the top 4 based on my requests, I won’t mention the other 3 so as not to break hearts- and i chose you to receive my black Chanel tote.

My reason is simple- you seem PRAYERFUL, and you put family first- 2 qualities i can really IDENTIFY with. And you have a 3rd attribute that the positive part of my heart continues to pray for- you seem to have a LOVING & SUPPORTIVE marriage, a union that seems (based on your FB account) allows you to be you, yet you realize your duties and responsibilities…

I’m sending you my bag w/ a simple request? Please keep me in your prayers- that in God’s perfect time He may also bless me w/ the right lifetime partner… Enjoy my bag, and share it with your “kikay” family members and friends whenever they want to borrow it so that many of you will get to use something i worked hard to buy, and something that took many trips with me and my sons.

W/ my affection & appreciation, Kris

Sobrang pasasalamat naman ang mensahe ni June Jane kay Kris, aniya, ”Maam Kris, Maraming Maraming Maraming Salamat po. Sobrang maligaya po ako. Hindi ko po ma explain ang feeling. Nanginginig po ako while typing. Pinagdasal ko po talaga ito. God is such a gracious and good God kasi hindi lang po basta bastang Chanel ang binigay niya kung hindi, isang napaka special gift po talaga galing sa inyo Maam na simbolo ng inyong sipag, tiyaga at determinasyon po sa buhay. 

Yes Maam Kris, I am including you and your family in my prayers. Maraming maraming maraming salamat po. May you be blessed with more so that you will continue to be a blessing to others! Indeed the world is a better place because of generous and genuine people like you po. Good health, more wealth, mighty protection against all forms of evil and unending joy and peace po ang prayers ko sa inyo Maam Kris.

READ MORE:  ATC BrighTen years: First of the many decades to come

Merry Christmas and a God-filled New Year po sa inyo Maam. GOD BLESS PO MAAM AND MORE POWER PO! þþþ.

Kay June Jane, binabati ka namin. At tulad ng sinasabi rin ng karamihan sa nag-comment, mapalad ka. God bless.

MARLO MORTEL,
MAHAL NG AUDIENCE

HINDI nakapagtataka kung nagiging wild ang audience kapag kumakanta na si Marlo Mortel.

READ MORE:  Daiana diborsiyada na, mga lalaking nauugnay ‘di totoong pineperahan

Nasaksihan namin kung paano mag-entertain at handugan ng magagandang awitin ni Marlo ang audience nang suportahan niya ang album launching ng McLisse kamakailan sa SM Skydome.

Sa McLisse album launching din una naming narinig kumanta ng live ang binata at maganda pala talaga ang boses niya kaya hindi nakapagtatakang kiligin din ang maraming girls sa kanya.

Habang kumakanta ng Mahal Na Mahal Kita ay bumaba ng stage si Marlo para kumuha ng isang audience. And what’s next, siyempre super kilig si Ate (audience) na animo’y ‘di mapakali sa puwesto na pumapadyak-padyak pa.

Marunong ng audience participation si Marlo. Hindi ako magtataka kung marami ang bumili ng album niya na aniya’y puro hugot songs.

Ani Marlo, kasama na rin sa kantang nakapaloob sa album ang hugot song na iniwan siya ni Janella Salvador sa ere.

This week na rin ire-release ang kantang ginawa nila sa Singapore ni Kristel Fulgar, ang With Love na cover ng Beauty of the Beast.

“Available na rin po ito sa Spotify kaya please po suportahan ninyo,” ani Marlo na napapanood ngayon sa Hanggang Saan na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved