Wednesday , September 24 2025

Dengue vaccine delikado — Sanofi Pasteur

INAMIN ng manufacturer ng world’s first dengue vaccine, na ang gamot ay maaaring mapanganib sa indibiduwal na hindi pa dinadapuan ng sakit na dengue.

Sinabi ng Sanofi Pasteur nitong Miyerkoles, may bagong analysis sa long-term clinical trial data hinggil sa dengue vaccine Dengvaxia.

“Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had prior infection. For those not previously infected by dengue virus, however…more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection,” ayon sa Sanofi Pasteur.

Bunsod nito, agad inatasan ni Health Secretary Francisco Duque ang Dengue Technical and Management Committee na makipagpulong sa expert panel upang madetermina ang susunod na hakbang.

“The safety of the children vaccinated is paramount, and the Health Department will need to do surveillance of those given Dengvaxia with no prior infection. It’s really a big task,” pahayag ni Duque.

Ang Filipinas ang unang bansa sa Asya na inaprubahan ang bakuna para sa mga indibiduwal na may gulang na siyam hanggang 45-anyos nitong Disyembre 2015.

Bumili ang gobyerno ng P3-bilyong halaga ng Dengvaxia para sa isang milyong public school children sa mga lugar na iniulat na may pinakamataas na insidente ng dungue noong 2015, ang National Capital Region, Region 3, at Region 4A.

Ang bakuna ay ibinigay sa tatlong phases sa 6 buwan intervals simula nitong Abril 2016.

Ito ang unang pagkakataon na inamin ng Sanofi Pasteur na ang Dengvaxia ay hindi dapat irekomenda sa mga indibiduwal na hindi pa dina-dapuan ng dengue virus.

Sinabi ng manufacturer, hihilingin nila sa health authorities na payohan ang mga doktor at pasyente hinggil sa bagong impormasyon sa mga bahagi ng bansa na inaprubahan ang nasabing gamot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …