Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pari nagpuslit ng yosi tiklo
Pari nagpuslit ng yosi tiklo

Pari nagpuslit ng yosi tiklo

INARESTO ang isang pari makaraan madiskobre ang 50 pekete ng mga sigarilyo at mga dahon ng tabako sa dala niyang balde ng biskwit habang papasok sa Bohol District Jail sa Tagbilaran City, nitong Linggo.

READ MORE:  NAIA pinuri ng website sa ‘long awaited rehabilitation’ (Hindi na world’s worst airport)

Ayon kay Jail Warden, Chief Inspector Felipe Montejo, iniimbestigahan nila si Fr. James Darunday, ang resident chaplain ng naturang kulungan.

Ani Darunday, misis ng inmate ang nakisuyo sa kanya na dalhin ang balde ng biskwit para sa kanyang asawa na nakakulong dahil sa ilegal na droga.

READ MORE:  Duterte pinuri ng Australia (Sa pagbuo ng Code of Conduct sa SCS )

Ngunit agad itong kinompiska sa pagpasok pa lamang ng pari sa pasilidad at nadiskobre ang laman nitong mga pakete ng yosi at dahon ng tabako sa ilalim ng mga biskwit.

READ MORE:  Bebot utas sa saksak ng ex-dyowa

Sinabi ni Montejo, walang kasong isasampa sa pari ngunit po­sibleng hindi na payagang makapasok sa pasilidad para mag-misa.

Wala pang pahayag ang Diocese of Tagbilaran hinggil sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved