Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Clique 5, promising
Clique 5, promising

Clique 5, promising

HINDI ko maiwasang purihin ang pinakabagong alaga naming Clique 5. Ang newest boy group na mina-manage ng 316 Events And Talent Management ni Len Carillo at Kathy Obispo. Kinabibilangan ito nina Clay, Marco, Josh, Karl, at Sean. May kanya-kanyang karakter ang limang guwapong bagets.

Ayon kay Ma’am Len, bago pa man tuluyang inilunsad noong Sabado, November 18 ang buong grupo, dumaan sa matinding training ang lima. Sinala nang husto pagdating sa voice lessons, acting and dancing workshop.

READ MORE:  Pagbabalik ni Sharon, trending agad!

Tama nga naman si Ma’am Len, hindi biro ang mag-manage ng isang boy group kaya naman punompuno ng disiplina at pangaral ang mga bagets dahil para naman sa kanilang lahat. Walang ibang hangad ngayon ang management ng Clique 5 kundi ang makilala sila sa mundo ng showbiz at mabigyang pansin.

READ MORE:  Ai Ai, may pinatatamaan sa — Ayokong partner ‘yung may asawa, ayokong manira ng pamilya

Mismong ako na ang magsasabing hindi ka ipahihiya ng mga bagets dahil sa Christmas single nilang may titulong Tuwing Pasko.

Mahugot man ang kanta, nabigyang buhay at tunog ito ng Clique 5 na isang original composition ni Joven Tan na siya ring nagdirehe ng kanilang music video.

READ MORE:  Mojack, humataw agad sa kaliwa’t kanang shows sa simula ng 2018!

Kaabang-abang din ang iba pang kanta na puro original composition na ilalabas na physical album ng Clique 5 early 2018.

Promising ang Clique 5 kaya naman noong launching nito ay may kanya-kanyang manok na ang mga dumalong entertainment media. Bongga!

REALITY BITES
ni Dominc Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved