Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / “Hanggang Saan” ng mother and son na sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde matutunghayan na (Parang pelikulang inaabangan)
“Hanggang Saan” ng mother and son na sina Sylvia Sanchez  at Arjo Atayde matutunghayan na (Parang pelikulang inaabangan)

“Hanggang Saan” ng mother and son na sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde matutunghayan na (Parang pelikulang inaabangan)

KAPWA nagagalak nang labis kasama ang co-actors sa “Hanggang Saan” ng mother and son na sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde sa magandang feedbacks ng kanilang bagong teleserye na “Hanggang Saan” na inyo nang mapapanood ang pilot episode ngayong hapon sa Kapamilya Gold.

Hindi lang kasi ‘yung husay nina Sylvia at Arjo at ng buong cast ang mapapansin sa serye ga­yondin ang takbo ng istorya nito na tiyak na dudurog sa puso ng televiewers lalo sa mga inang susubaybay kay Nanay Sonya (Sanchez) na handang pumatay para sa anak na malalagay sa bingit ng kamatayan na ginagampanan ni Paco (Atayde).

Kamumuhian n’yo ba si Sonya sa ginawang krimen na napatay niya ang nego­s­yanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon) o siya ba’y inyong mamahalin dahil sa unconditional na pagmamahal nito sa dalawang anak na sina Paco at Domeng (Yves Flores)?

Maraming pasa­bog o twist ang Hanggang Saan, kaya dapat mula umpisa ay nakasubaybay na kayo at huwag rin ninyong palalampasin ang bawat episode na punong-puno ng drama at suspense.

Kabilang rin sa cast ng serye sina Ariel Ri­vera,  Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, maging sina Nikko Natividad, Rommel Padilla, Nan­ding Josef, Anna Luna, Mercedes Cabral, Rubi Rubi, Viveika Ravanes, Sharmaine Suarez, Ces Quesada, Arnold Reyes, Maila Gumila, at Junjun Quintana.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian. Ito ang seryeng magpapakita sa inyo kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa “Hanggang Saan,” na ieere tuwing hapon pagkatapos ng “Pusong Ligaw”  sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable 167).

READ MORE:  Ryza at JC, actress & actor of the hour sa 4th Quezon City Filmfest

Para sa updates, mag-log on lang sa fb. com/ hanggangsaan at i-follow ang @hanggangsaantv sa Twitter at @hanggangsaan sa Instagram.

LITO AT CARDO TULUYAN
NANG IBINENTA SA PULIS
NG MAG-INANG IRMA
AT ANGELINE SA “ FPJ’S
ANG PROBINSYANO”

 

DAHIL sa interes na kumita ng P20 milyon at matindi ring galit ng mag-inang Regine (Angeline Quinto) at Dulce (Irma Adlawan) kay SP02 Cardo Dalisay (Coco Martin) sa pagkamatay ng kapa­milyang si Bruno (Eric Fructuoso) na nabaril noon ni Cardo sa isang enkuwentro sa motor nang manlaban sa kanya ang nasabing mandurukot, tuluyan na ngang ikinanta o ibinenta ng mag-na­nay ang kapwa may patong sa ulo na tig-P10 milyon na sina Cardo at Leon (Lito Lapid) sa mga pulis.

Mabuti na lang at mabilis ang radar ni Cardo kaya bago dumating ang mga pulis ay nakaalis na sila sa lugar ng pamilya Moreno na ang padre de familia nilang si Engelbert “Daga” Moreno ay da­ting miyembro ng Pulang Araw na pinamumunuan ni Leon.

Dahil sa kasinungalingan at patuloy na panli­linlang ni National Defense Director Hipolito (John Arcilla) sa publiko ay parehong tinutugis ngayon ng mga alagad ng batas si Leon at Cardo na inosente sa mga paratang ni Hipolito sa kanya dahil never siyang bumaliktad sa kanyang pagi­ging pulis.

READ MORE:  Mapuno kaya muli ni Daniel ang Smart Araneta?

Nagbitiw ng salita si Cardo na gagawin niya ang lahat para malinis ang pangalan at kanyang haharapin ang number one na traidor sa ba­yan na si Hipolito at salot sa lipunang si Alakdan (Jhong Hila­rio) gayondin ang mortal na kaaway ni Da­lisay na hindi ma­matay-matay na si Don Emilio (Eddie Garcia) at kasabwat na kapwa drug lord na si Sen. Mateo de Silva (Joko Diaz). Ito ang mga tagpong dapat ninyong pakatutukan sa number one show sa buong bansa na “FPJ’s Ang Probinsya­no” na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa primetime bida slot ng ABS-CBN 2.

GERALD MAAYOS
AT ASENSADO JAKE
SINISIRA ANG BUHAY
SA “IKAW LANG
ANG IIBIGIN

Matagal na nagbuhay prinsipe si Carlos (Jake Cuenca) sa poder ng hindi naman pala tunay na daddy na si Don Roman (Michael de Mesa). Nga­yon, bumaliktad na ang mundo nila ni Gabriel (Gerald Anderson) dahil siya ang real son ni Roman sa namayapang wife na si Victoria (Ayen Munji-Laurel). Habang patuloy sa pag-unlad si Gabriel kasama ang misis na si Bianca (Kim Chiu) sa ipinagkatiwalang negosyo ng ama na Tiger Shark Energy Drink, si Carlos ay nilulustay sa pagsu­sugal ang perang ipinamana sa kanya ni Roman na P100 milyon.

READ MORE:  Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible

At mukhang wala nang paki si Carlos kung masira man siya at mapariwara dahil pakiramdam niya ay na-etsa­pwera siya sa pamilya Dela Vega na dati ay kaparte siya. Bukod sa papunta na sa pagiging mi­serable ang buhay ay may masamang binabalak si Carlos at lahat ay gagawin niya para sirain ang mag-amang Gabriel at Roman kasama si Bianca.

Sila pa rin ng kanyang tatay na si Rigor, ang magkatuwang na magsasagawa nito pero magtagumpay kaya sila?

Mabuti at hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ni Isabel ang binata at hindi niya ito iniiwan sa gitna ng mga pinagdaraanan sa buhay na kagagawan din niya. Samantala masaya si Lola Ganda (Gina Pareno) sa mabilis na pag-asenso ng paborito niyang si Gabriel na hanggang ngayon sa puso niya, tulad ni Carlos ay itinuturing niyang kanyang apo.

Hindi lang palalim na palalim ang kuwentong matutunghayan ninyo sa “Ikaw Lang Ang Iibigin” kundi ikawiwindang ninyo ang mga gagawin ni Carlos, para mapabagsak ang mortal niyang kaaway na si Gabriel.

Napapanood ang ILAI weekdays at 11:45 am after Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved