Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen, aminadong gustong magkaanak sa edad 30
Ellen, aminadong gustong magkaanak sa edad 30

Ellen, aminadong gustong magkaanak sa edad 30

HINDI naman masasabing ikinaila nga ng manager ni Ellen Adarna na si Pia Campos na buntis na nga sa ngayon ang sexy star at si John Lloyd Cruz nga ang tatay. Ang sinabi lang naman niya, “si Ellen lang ang may karapatang magbigay ng statement o makapag-confirm ng mga balita.” Maliwanag na gusto lamang niyang ibigay kay Ellen ang karapatang siya mismong umamin niyon pagdating ng tamang panahon.

Sa ngayon, may mga nagsasabing hindi pa maaaring aminin ni Ellen ang kanyang sitwasyon dahil marami siyang mga commercial endorsement na may clause sa kontrata na nagsasabing hindi siya dapat na magbuntis sa panahon ng kanilang kasunduan. Gayunman, sinasabi namang matatapos na ang lahat ng iyon sa taong ito. Ibig sabihin, sa pagpasok ng bagong taon, maaari na ngang kompirmahin ni Ellen na talaga ngang buntis siya.

READ MORE:  Morissette Amon aalis na nga ba sa Birit Queens group?

Pinaninindigan naman ng sources na talagang si Ellen mismo ang nagsabi sa kanila na buntis nga siya at si John Lloyd ang tatay. Wala pa ngang ginagawang statement si Ellen, samantalang si John Lloyd ay muling umalis ng bansa. Hindi kasama si Ellen dahil may nagsasabi ring “delikado ang pagbubuntis niya at kailangang mag-ingat.”

May binitiwan pang salita si Ellen, na gusto na niyang magka-anak bago siya dumating sa edad na 30, at iyan ay sa April 2018 na.

READ MORE:  Daniel Matsunaga, bagong housemate sa PBB All In

Siguro nga walang masasabing credible source ng katotohanan kundi si Ellen o si John Lloyd mismo dahil siya ang sinasabing tatay ng dinadala ng sexy star. Habang wala pang kompirmasyon mula sa kanilang dalawa, iyan ay mananatiling tsismis lamang.

KATABAAN NI SHARON,
GINAGAWA NA LANG
KATATAWANAN

GINAGAWA na lang nilang comedy ang katabaan ni Sharon Cuneta sa kanyang ginawang pelikula. Hindi nga kasi maikakaila ang kanyang katabaan kahit na sa lumabas na trailer ng pelikula nila.

READ MORE:  Patrick Garcia, may pagpapahalaga na sa trabaho

Bukod diyan ay marami pang mga negative na sinasabi, at may duda na ang pelikula ay magiging isang malaki ngang hit kahit na iyon ay sinasabing isang main stream movie.

Galing nga kasi si Sharon sa isang indie na naging flop, at si Robin naman ay mahihina rin ang lahat ng ginawang pelikula.

Pero sana naman ay makabawi sila sa pelikulang iyan. Kung kikita ang pelikula, maaaring makabawi ang career ni Sharon ganoon din naman si Robin. Ibig sabihin niyon may iba pang mga pelikulang magagawa.

(Ed de Leon)

 

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved