Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Walong taon na ang Maguindanao massacre
Walong taon na ang Maguindanao massacre

Walong taon na ang Maguindanao massacre

SA araw na ito, walong taon na ang nakali­lipas nang maganap ang madugong Maguindanao massacre.

Umabot sa 52 katao ang pinaslang na ki­nabibilangan ng 32 mamamahayag.

Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang kaso. Hindi nakapagtataka dahil sa 100 mahigit na akusado, ilan pa lamang ang naisasalang sa pag­lilitis.

READ MORE:  DOTr, airport authorities magpapatupad nang mahigpit na traffic safety measures ngayong holiday season

Marami na rin ang mga nangamatay sa mga akusado.

Sa araw na ito, hinihiling ng inyong lingkod sa ating mga katoto na ipagdasal natin sila at hilingin na sana’y makamit na nila ang kataru­ngan.

Huwag na sanang maulit  ang mga eksenang pasigaw-sigaw at pataas-taas ng kamay at kamao pero hindi natin alam kung talagang nakatulong sa pamilya ng mga biktima.

READ MORE:  Mocha for MTRCB chairperson dapat!

Sa ika-walong death anniversary ng mga biktima ng Maguindanao massacre, magsama-sama tayong hilingin na sana’y makamit na nila ang katarungan.

READ MORE:  Pulis-Pasay na Video Karera operator lusot sa PNP generals

Kapag nangyari iyon, doon lang natin masa­sabi na, they really rest in peace.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved