Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Rider patay, 1 sugatan (Motorsiklo bumangga sa likod ng truck)
Rider patay, 1 sugatan (Motorsiklo bumangga sa likod ng truck)

Rider patay, 1 sugatan (Motorsiklo bumangga sa likod ng truck)

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Katipunan Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center si James Francis Aragan, 27, habang patuloy na inoobserbahan ang sugatang si Joshua Maria Cinco.

READ MORE:  US at China paligsahan sa military aid sa PH

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU), dakong 1:00 am nang mangyari ang insidente sa Katipunan Avenue.

READ MORE:  Nakawan sa Caloocan DoLE, inside job

Lulan ng motorsiklo ang dalawa at sinusundan ang truck (AAB-4325) na minamaneho ni Roel Almecion, nang bumangga sila sa likuran bahagi ng nasabing truck.

Dahil sa bilis ng motorsiklo, tumilapon ang dalawang biktima na nagresulta sa pagkamatay ni Aragan at pagkasugat ni Cinco.

READ MORE:  Dismissal Order vs Junjun inihain na (Pamilya Binay ‘di natinag)

Agad sumuko sa pulisya si Almecion at idiniing hindi niya kasalanan ang nangyari dahil ang motorsiklo ang bumangga sa likurang bahagi ng truck. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved